CHAPTER 16: TROUBLED

82 3 0
                                    

Pagpasok ko sa loob, may napansin akong isang lalaking nakaupo sa maliit na sofa. Mag-isa lang siya, walang ibang tao. May narinig akong mga boses sa kusina, siguradong ang mga pinsan 'yon ni Lesli. Itong lalaking nakaupo ay nakasuot ng white v-neck shirt and dark blue na shorts with his sunglasses on. He's good looking as well.

Nang mauna si Lesli sa sofa ay agad na tumayo ang lalaki. Siguro siya 'yong sinasabi ni Lesli na Daryl.

"Kuya, this is Aril. Aril, this is Kuya Daryl." she introduced.

Nakangiti itong naglahad ng kamay sa'kin.

"Hi, Aril. Nice to see you." He greeted.

"Hello. Happy birthday." I said.

"Thank you." Ngiti nitong sagot. His smile is very genuine, hindi pilit.

Ngumiti lang ako sakanya bilang tugon. I think nasa 26 or 27 itong si Daryl base sa itsura at kilos niya.

"Lumipat nalang kayo mamaya sa kabilang hotel. May mga aalis mamayang tourists." Paliwanag ni Daryl.

"Okay. Sabihan ko sila. Nagrereklamo na si Sam e." Lesli said.

"I know. Si Sam pa ba?" Halakhak na sagot ni Daryl.

Agad namang naglipat ng tingin si Daryl sa relo niya.

"Maiwan ko muna kayo. May pupuntahan lang ako." Paliwanag nito nang bumaling sa amin.

"Saan? Sa girlfriend mo, Kuya?" Lesli teased.

"Hindi, baliw. Kaibigan ko." Sagot nitong natatawa.

Tinawanan lang ito ni Lesli bago tuluyang maglakad ang pinsan. Lumingon pa ito sa amin at kumaway bago lumiko papunta sa kung saan.

Dalawa nalang kami ngayon ni Les na naiwan rito sa sofa kaya naisip kong tanungin ang tungkol sa sasakyan sa labas.

"By the way, kaninong sasakyan 'yong naka-park sa labas ng resort?" I asked.

"Alin doon?" Tanong niyo pabalik.

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Lesli.

"Yung puting pick-up?" I asked.

"Baka sa turista? Hindi ko rin alam e." She answered.

Mukha namang nagsasabi ito ng totoo dahil halata naman 'yon sa facial expression niya. Siguro ako lang nakapansin. Hindi pa nga yata pala nakita ni Lesli 'yon. Baka 'yong itim na raptor ang nakita niya, which is 'yong kay Isaiah.

Speaking of, mga mga text messages pala galing kina Kuya Jonas.

"Taas muna ako, ha? Mamayang 6:30 dapat naka-prepare ka na. 7:00PM daw mag-start ang birthday party ni Kuya e." Sabi ni Lesli na ngayon ay nakatayo na ng tuluyan.

"Ah sige." Sagot ko

Sumenyas ito na pupunta na sa taas kaya tinanguan ko lang siya.

Pagka-alis si Lesli, agad kong inilabas ang phone ko para i-check messages.

Inuna kong buksan ang message sa akin ni Isaiah.

Isaiah:

It's okay. Take care.

Kagabi pa 'yon! Ngayon ko lang nabasa!

Isaiah:

Nakarating na ba kayo? I'm worried.

'Yon ang last message niya kanina. Hindi ko kasi siya nareplyan kagabi dala na rin siguro ng antok.

Mabilis naman akong nag-type.

Me:

Hi! Sorry late reply. Yes, nandito na kami kina Lesli. Makakarating ka ba?

Sent!

Sunod ko namang binuksan ang message ni Daddy.

Daddy:

Anak, kamusta? Kasama mo ba si Isaiah?

Hindi ko alam pero hindi ko 'yon rineplyan. Hinayaan ko lang at sinunod ang message ni Manang at Kuya Jonas, nangagamusta sila pareho.

I smiled of the thought na may pamilya akong concerned sa akin bukod kay Daddy.

Matapos ko magbasa ng messages, agad akong tumayo para kumuha ng maiinom sa kusina. Liliko na sana ako sa kusina nang may pumasok sa main door. Mula dito, kitang-kita kasi agad ang pinto kaya napatingin ako at laking gulat ko nang makita ang lalaking 'yon..

Nakatingin lang ito sa akin bago nagsalita.

"Where's Daryl?" Diretso niyang tanong.

Yes, it's Ifraim!

"Kalalabas lang." Tipid kong sagot kahit na kinakabahan.

Akala ko aalis na ito matapos niyang marinig ang sagot ko ngunit tumuloy ito sa kusina.

"P'wedeng maki-inom?" He asked without looking.

Tumango lang ako kahit hindi niya nakita, dumiretso na rin naman siyang nagbukas sa maliit na ref.

Why do I have this feeling na nakasama ko na siya? I'm just not sure about it.

"Aril, nandiy—," hindi natuloy ni Lesli ang sasabihin dahil nabaling ang atensiyon niya sa lalaking ngayon ay umiinom na sa harap ng lababo.

Nakita ko ang nagtatanong niyang mukha sa akin. Bago pa man ako makasagot, lumingon na si Ifraim.

I saw her reaction, medyo nagulat ito pero bumalik rin naman sa dati.

"Isaiah?!" Gulat nitong tanong. Medyo napataas pa nga ang kanyang boses.

Nang mapansing hindi kumibo si Ifraim, nagsalita ulit ito.

"Caerus?! Is that you? Oh my god!" Gulat nitong sabi.

Mas lumiwanag pa ang mukha ni Lesli nang makita ang ngisi ni Ifraim. Wait, what? Caerus ang pangalan niya? I thought it's Ifraim?

"Kung hindi ko lang napansin ang mukha at hair cut mo, mapagkakamalan kitang si Isaiah!" Dagdag pa ni Lesli na lalong nagpagulo sa isipan ko.

Napatitig na lang ako sa floor. What is happening? I need to talk to Isaiah, I want to meet him on Monday. Gusto kong malinawagan sa mga nangyayari.

"Have you seen Kuya?" Rinig kong tanong ni Lesli.

Siguro'y naalala niya ako na nandito kaya bumaling siya sa akin.

Hindi na ako nag-angat ng tingin para makita ang facial expressions nilang dalawa.

Sasagot na sana ako pero doon ko napagtantong hindi pala ako ang tinatanong kundi si Ifraim mismo.

"Wala siya kaya ako na ang pumunta rito." Paliwang ni Ifra— Caerus, or so whatever!

"Papunta na siguro 'yon sa inyo. Nagkita na ba kayo ni Isaiah?"

Nang marinig ko ang pangalan ng boyfriend ko, agad akong nag-angat ng tingin at tuluyan ng tumingin sa kanya, nahuli niya ako kaya nagbaba kaagad ako ng tingin.

"Yeah, 2 weeks ago." He answered, alam kong sa akin niya ito sinabi kahit kay Lesli dapat dahil mas malinaw at malakas ko itong narinig.

2 weeks ago? Ano ba mga nangyari 2 weeks ago? Hindi kaya siya 'yong lalaki sa pinagbilhan namin ni Ismael ng Dental supplies? Oh my god.

"How about Ismael?" She asked again.

"I already talked to him earlier." Sagot ni Ifraim.

"Through phone call." He added.

Maybe gusto ko munang magpahangin. Daming gumugulo sa isipan ko. Para na rin siguro hindi ako makaabala sa pinag-uusapan nila.

Tumingin muna ako sakanila, si Lesli ay abalang nagsasalita habang si Ifraim ay nakatingin na pala sa akin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko bago dahan-dahang naglakad palabas ng hotel. I need to refresh my mind. May 1 hour pa naman ako, doon muna siguro ako sa pampang.

The Real Owner Where stories live. Discover now