CHAPTER 1

11 0 0
                                    

Makalipas ang isa't kalahating oras ay natigil ako sa pagtugtog ng ukelele nang may nakita akong isang gardener na may tulak-tulak na cart na may mga flowers. Nang nahirapan siyang maitulak doon dahil sa may lubak, napatayo ako sa kinauupuan ko at agad ko namang tinago ang ukelele ko sa lalagyan.

Paglagay ko ng ukelele ko ay agad naman akong naglakad papalapit sa gardener. Sabi ko sa kanya, "Kuya, tulungan na po kita magtulak ng cart." Matapos nun ay napangiti ang lalaki, sabi niya, "Ah, oh, sige."

Matapos nun ay sabay na naming tinulak ang cart. Nang tulungan ko siya ay naialis naman namin sa pagkakaipit sa bato o lupa ang cart. Nang samahan siya at tulungan siya ay nang itinabi namin ang cart sa gilid ay natigil kami.

Sabi niya sa amin pagtigil namin, "Naku, maraming salamat sa 'yo." Ngumiti siya sa akin nang sabihin niya 'yun. Sabi ko, "Walang anuman po."

Matapos nun ay sabi ng lalaki, "Hindi ko akalaing may mga binata pa pala tulad mo na marunong umalok ng tulong." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sabi niya, "Pagpatuloy mo lang 'yan iho ah, 'yung pagiging mabait at matulungin mo."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Matapos nun ay sabi niya, "Oh sige, balik na'ko sa trabaho ko, salamat uli ah." Sabi ko, "Kailangan mo po ba ng tulong sa pagbubuhat?"

Sabi ng gardener, "Hindi na, naku, kaya ko na, salamat ulit." Tumango ako nang sabihin niya 'yun. Pagkasabi niya nun ay tuluyan na nga siyang nagbuhat ng mga flower pots.

Matapos nun ay pumunta na ako sa restroom para maghugas ng kamay dahil medyo nadumihan ako dahil sa may putik ang hawakan ng cart, pero okay lang naman 'yun para sa akin. Paghugas ko ng kamay ay nagpunas ako ng kamay gamit ang tissue. Pagkatapos ko magpunas ay agad na naman akong lumabas ng restroom.

Paglabas ko ay napatingin ako sa relo ko. Pagtingin ko sa relo ko, sabi ko, "Makauwi na nga."

Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ako papalabas ng gate. Paglabas ko ng gate, naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa may tawiran. Nang makarating doon, pagtingin ko sa tapat ko ay nakita ko si Ms. Ricollejo.

Sabi ko, "Si Ms. Ricollejo yun, diba?" Nakita ko na namimili siya ng prutas sa may cart. Pagtingin ko sa kanya ay napatingin ako sa kasama niya nang kausapin niya ito.

Matapos kausapin ni Ms. Ricollejo ang babae, tumango siya at napangiti. Napangiti naman si Ms. Ricollejo matapos siyang ngitian ng babae. Maya-maya pa, nang muli na namang napayuko at napatingin si Ms. Ricollejo sa mga paninda, napakunot na lang ako ng noo nang muli kong tingnan ang babaeng kasama niya.

Nang makita ko ang babae, narealize ko na siya yung babae na nakita ko kanina—yung babaeng nakatayo at nakatingin sa akin nung kumanta ako o nung nag-ukelele ako habang nakaupo sa swing kanina. Sabi ko, "Yun yung babae kanina ah." Maya-maya pa, napatingin siya sa batang may dala ng bola.

Nang mabitawan ng bata ang bola, gumulong ito sa gitna ng tawiran. Nang makita yun ng babae, agad naman niyang nilapitan ang bola at agad niyang sinundan at kinuha. Habang naka-stop light, lumapit siya doon para kunin ang bola.

Pagluhod niya doon para kunin ang bola, maya-maya pa ay napalingon ako nang may nagsalita. Sabi ng mga tao, "Naku, magg-green light na. Baka masagasaan yung babae."

Nang marinig ko yun, nanlaki ang mata ko at bigla akong nag-alala. Sinubukan kong sigawan ang babae, "Miss! Umalis ka na diyan! Magg-green light na! Baka masagasaan ka!" Pagkatapos kong sabihin yun, napakunot ako ng noo dahil hindi niya narinig ang sinabi ko.

May mga tao ring sumisigaw sa kanya pero parang wala rin siyang naririnig. Napatingin na rin si Ms. Ricollejo nang marinig niya na sinisigawan namin ang babae. Nang makita ni Ms. Ricollejo ang babaeng kasama niya, nanlaki ang mata niya sa gulat.

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now