"Galit ka ba sakin? O kaya naman, naiinis ka ba sakin? Naiinis ka ba sakin dahil sa ginawa ko kanina?"
Nanlaki ang mata niya nang bahagya sa gulat nang marinig niya ang sinabi ko. Sabi ko, "Kasi..." Nanatili lang siyang nakatingin sakin na nakakunot ang noo.
Pagpapatuloy ko, "Kanina ko pa napapansin na... napapakunot ka ng noo, napakunot ka ng noo nung tumitingin ako at nung kinakausap kita kanina." Dahan-dahan namang nawawala ang kunot ng noo niya nang sabihin ko 'yun.
Sabi ko, "Kaya 'yung simula nung nagkamali ako sa paglilipat ng halaman kanina at nung pagkatapos mo akong tulungan at nagpasalamat ako sa pagtulong mo sakin, bigla kang napakunot ng noo, pati na nung kanina, nung sinabi ko sayo na magaling ka magluto, napakunot ka uli ng noo sakin kaya inakala ko na baka nga naiinis ka sakin o nagalit ka sakin dahil sa nagawa kong pagkakamali sa paglilipat natin ng halaman."
Hindi siya nakakibo at nanatili parin siyang nakatingin sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Yumuko ako sa kanya at pagkatapos kong sumiko sa kanya ay, "Sorry, sorry kung naiinis ka sakin o galit ka man sakin. Naiintindihan ko naman kaya—"
Nang tignan ko siya, nanatili siyang para bang hindi makapaniwala parin sa sinabi ko kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagkatingin niya sakin. Maya-maya pa, bigla na lang siyang umiling. Napakunot ako ng noo dahil sa pagkakailing niya sakin.
Nang makita niyang hindi ko siya maintindihan at para bang nagtataka ako, napaisip siya. Habang nag-iisip siya, nanatili naman akong nakakunot ng noo sa pagtataka. Nang may naisip siya, napatayo siya mula sa pagkakaupo at kumuha ng isang notebook at ballpen mula sa desk niya.
Pagkakuha niya nun, nagsimula naman siyang magsulat. Habang nagsusulat siya, napapaisip naman ako dahil nanatili parin akong nagtataka. Pagkatapos niyang magsulat, lumapit siya sakin at inabot niya sakin ang nakabuklat na notebook niya.
Pagtingin ko sa kanya, napatingin ako sa notebook niya. Pagkakita ko sa nakasulat doon, napatingin ako pabalik sa kanya, at sabi ko, "G-gusto mong basahin ko 'yung sinulat mo?" Tumango siya pagkasabi ko nun.
Pagkatapos nun, napatingin ako sa notebook. Pagkakuha ko sa pagkakaabot niya ng notebook, agad ko naman itong binasa. Nakalagay sa notebook, "Hindi ako galit o naiinis sayo, napapakunot lang siguro ang noo ko dahil hindi ko alam kung paano kita kakausapin."
Pagkabasa ko nun, muli akong napatingin sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, muli niyang inabot ang notebook niya at nagsulat ulit doon. Pagkasulat niya, muli niyang inabot sakin 'yung notebook niya.
Pagkakuha ko ng notebook, binasa ko ang sinulat niya. Sabi niya, "Hindi ka kasi nakakaintindi ng sign language kaya medyo nahirapan lang ako kung paano ka kakausapin, kaya napapaisip lang ako kung paano nga kita kakausapin at kung paano mo ako maiintindihan." Pagkabasa ko nun, napatingin ako sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya, nanatili lang siyang nakatingin sakin, at habang nakatingin naman kami sa isa't isa, narealize ko na ang ibig niyang sabihin. Narealize ko na hindi pala siya naiinis o nagagalit sakin. Sabi ko sakanya, "A-ahh, naiintindihan ko na."
Napahawak ako sa batok ko at sabi ko, "Sorry, sorry kung nami-misinterpret kita, akala ko lang kasi naiinis ka sakin kaya ka napapakunot ng noo." Agad siyang umiling nang sabihin ko 'yun sa kanya. Sabi ko sakanya, "Siguro, um... isulat mo na lang sa notebook mo ang gusto mong sabihin sakin kapag mayroon kang gustong sabihin sakin o kaya kapag gusto mo akong kausapin."
Pagsabi ko nun, napangiti ako sa kanya. Pagkatapos nun, inabot ko ang notebook niya sa kanya. Pagtingin niya sa pagkakaabot ko, napatango naman siya sakin.
Pagkakuha niya ng notebook, muli siyang nagsulat. Pagsulat niya, inabot niya ang notebook niya, pagkakuha ko uli ng notebook niya, binasa ko ang sinulat niya. Sabi niya, "Sorry din kung inakala mo na naiinis ako sayo dahil sa pagkakunot ng noo ko. Hindi ko naman gusto na isipin mo 'yun."

YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...