Chapter 1
"Wag mong kakalimutan anak ang mga bilin ko. Magiingat kayo ng Kuya mo."
—
"Spring?" Boses ni Kuya Zan ang gumising mula sa pagkakaidlip ko. Ilang araw na kaming naglalakbay sa gubat na kinalalagyan namin pero hanggang ngayon ay tanging mga puno lamang ang makikita namin kahit saan pa man kami lumingon.
Nang masiguro na gising na nga ako ay agad na nag-ayos si Kuya ng bag na dala nya. I honestly don't know kung pano pa namin nagawang magbitbit ng ilang mga damit at pagkain matapos ang pagsalakay ng Dark Wizards sa bahay namin.
"Kumain ka kahit konti lang Spring. Kailangan natin parehas ng lakas para sa paglalakbay. Kung hindi ako nagkakamali ng pag-estimate ay siguro dalawang araw pa bago natin marating yung Manor ng kaibigan ko mula sa school." banggit nito saka nya ako binigyan ng isang slice ng tinapay at isang mansanas.
Walang kibo ko namang tinaggap ang pagkain at mabilis na inubos ito. Alam kong tulad ko ay pagod na pagod na din si Kuya Zan. Maliban kasi sa paglalakbay na kasalukuyang ginagawa namin ay ilang araw din kaming nagtago at nakipaglaban sa halos dalawang dosenang Dark Wizards. At kung mararating namin ang kaibigan ni Kuya Zan sa North Fire sa mas madaling panahon ay mas malapit na din kaming makapagpahinga ng maayos.
Matapos ang maliit na agahan, agad kaming naghanda para maglakad. Kilala ang East Earth sa napakayabong na mga halaman at gubat nito but I really hate how long we need to travel makalabas lang sa border. Pero di ko din maipagkakait kung gano kaganda ang gubat na ito. At bilang isang wizard na ang kapangyarihan ay nakabase sa kalikasan katulad ng karamihan sa nakatira sa East Earth, ramdam ko ang magical properties ng lahat ng puno at halaman sa gubat. Di katulad ng mga tanim na halaman ng iba pang wizards sa East Earth, mas malaki ang magical properties ng mga halaman na nakatanim sa partikular na gubat na ito. Kung gagamitin sa potion, ritual at iba pa ay siguradong mas matalab at epektibo ito pag ginamit ng tama.
Nagpatuloy ang paglalakad namin ni Kuya hanggang sumapit ang dapit hapon. Kailangan naming maghanap ng matutuluyan para sa gabing iyon.
"Kuya Zan kailangan nating makahanap ng kweba bago pa tuluyang magdilim." mahinang sabi ko dito. Nilingon naman ako ni Kuya at mapapansin ang pagtataka sa mukha nito.
"I can feel the storm coming." sambit ko naman bilang sagot sa kanya.
"Do you still have magic? Masukal ang parte na ito ng gubat lalo na at papalapit na tayo sa border at mula pa kaninang umaga ay wala na akong ibang masulyapan kundi mga puno." tanong naman nito sa akin. Dalawang araw na matapos naming tuluyang masigurong di na kami sinusundan ng mga Dark Wizards. Kahit na pagod ay pinakiramdaman ko pa din ang aking sarili at nagbabakasakaling meron akong sapat na magic at lakas para magamit ang aking kapangyarihan.
"Hindi ako nakakasigurado Kuya pero mas mabuti nang itry ko." Agad naman akong lumuhod at inilagay ang dalawang kong palad sa lupa. Isa kasi sa mga nadiscover ko na ability after these past few days ay ang kakayang kong mag-locate ng mga bagay na konektado sa lupa, mapatao man ito, bagay o lugar.
Agad ko namang naramdaman ang pamilyar na pakiramdam ng pagdaloy ng magic tuwing ginagamit ko ang aking kapangyarihan. Ipinikit ko ang aking mga mata para makapagconcentrate ng maayos. I know my magic is not enough right now but I need to. I searched through the forest with the help of my own magic. At sa utak ko ay navisualize ko ang isa tila blue print at mapa ng buong gubat. Matapos ang ilang minuto ay nakahanap din ako ng isang maliit na kweba. If I estimate, it's around two kilometers mula sa kinatatayuan namin ni Kuya.
"That way." Ang sabi ko pagkadilat ko ng aking mga mata habang nakaturo sa aking kanan. Without any hesitation ay nagtungo si Kuya sa direksyon na tinuro ko kaya agad akong sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wizard Town
FantasíaWizard Town (REWRITTEN VERSION) Finding herself suddenly orphaned, with only her brother Zan as her only relative, Spring's journey to finding answer and herself starts. And the more she question the mystery of her parent's death, the more she real...
