Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kobyerta

8.4K 76 0
                                    

Kabanata 1 El Filibusterismo - "Sa Ibabaw Ng Kubyerta" (BUOD)

KABANATA 1 EL FILIBUSTERISMO - Narito ang buod ng Kabanata 1 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaunang kabanata.

Ang Kabanata 1 ay may titulo na "Sa Ibabaw ng Kubyerta" o sa Ingles ay "On The Upper Deck". Narito ang buod ng kabanatang ito:

Umaga na ng Disyembre. Sumasalunga sa Ilog Pasig ang Bapor Tabo. Sa kubyertang ito ay lulan sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kapitan Heneral at Simoun.

Ang pinag-usapan nila ay ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. "Mag-alaga ng itik" sabi ni Don Custodio. Si Simoun naman na tagapayo ni Kapitan Heneral ay nagsabi "Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila". Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato sa dahilan na darami ang balot na pinandidirihan niya.

ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)Where stories live. Discover now