Kabanata 26: Mga Paskin

742 5 0
                                    


Ang Kabanata 26 ay may titulo na “Mga Paskin” na sa saling Ingles ay “Pasquinades”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio. Maagang gumising ang binata para pasyalan sa pagamutan ang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya si Makaraig na kaibigan niya para kunin ang hiniram na pera upang makuha na niya ang kanyang grado.

Habang patungo sa pamantasan si Basilio ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa lob ng paaralan. Maingay nilang pinag-usapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan,

Ubod ng takot si Basilio sa kanyang narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.

Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga gwardiya sibil. Pinigilan siyang pasukin at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimestigahan,

Laking gulat na lamang ng binata dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)Where stories live. Discover now