Ang Kabanata 4 ay may titulo na "Kabesang Tales" o sa Ingles ay "Cabesang Tales". Narito ang buod ng kabanatang ito:Inampon ni Tanda Selo si Basilio sa gubat. Matanda na siya. Ang anak niyang si Kabesang Tales ay isang Kabesa de Baranggay. May anak siyang dalaga na si Lucia. Yumaman ito dahil sa tiyaga.
Nakisama siya sa isang namumuhunan sa bukid. Naghawaan ng gubat nang makaipon siya ng kaunti. Nang ipagtanong niya ay walang may-ari, at ginawa niyang tubuhan. Nais niyang pag-aralin sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito.
Nang umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas na ang sabi si Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Sabi niya:
"Binungkal ko't tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa't anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya't di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa't mga anak"
Anya rin ukol sa pagiging kawal ni Tano:
"ako'y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya'y mapabalik; nguni't kung ako'y matalo, di ko na kailangan ang anak."
Tinanuran niya ang kanyang bukid kaya lagi niyang dinala ang kanyang baril. Hindi makapasok ang sinuman dahil binalita siyang bumabaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos.
Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang agnos(laket) na binigay ni Basilio. Hindi pa rin nakasapat ang panupos. Pinasya niyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan, Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
RandomThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...