Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

1.2K 8 1
                                    


Ang Kabanata 10 ay may titulo na "Kayamanan at Karalitaan" o sa Ingles ay "Wealth and Want". Narito ang buod ng kabanatang ito:

Sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng San Diego at Tiyani nakituloy si Simoun. Nagdarahop si Kabesang Tales pero dala ni Simoun ang lahat ng pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas: Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang. Mamimili sila ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba't ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun. Nilalait ang kanyang kapahamakan. Bisperas pa naman ng araw nang kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili, ni isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.

Inilabas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Aniya kay Simoun, siya raw ay mamilili rin ng alahas. Tinanong si Kabesang Tales kung may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. "Limandaang piso o ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan nya".

Nag-isip si Kabesang Tales. Sabi ni Hermana Penchang, di raw dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.

Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang mga prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si Kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.

Kinabukasan, wala si Tales pati na ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mga tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun:

"sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangako."

Dinakip ng mga Guwardiya Sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle; ang lalaking gumagawa sa lupa; at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)Where stories live. Discover now