Ang Kabanata 23 ay may titulo na "Isang Bangkay" na sa saling Ingles ay "A Corpse". Narito ang buod ng kabanatang ito:Naging bugtong kay Basilio ang dahan-dahang pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago.
Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating si Simoun sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta ni Simoun ang kalagayan ng magkasakit pagkatapos ay sinabi niya ang kanyang pakay kay Basilio.
Sa kabila ng matigas na pagtanggi ni Basilio ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung pwede ay pamunuan ng binata ang isang pulutong na maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun para maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat ang binata sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na pumanaw na si Maria.
Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa kanyang narinig. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio pero ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salivi na labis na tinangisan ni Tiyago. Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa nanlumumo na si Simoun.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
SonstigesThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...