Ang Kabanata 2 ay may titulo na "Sa Ilalim ng Kubyerta" o sa Ingles ay "On The Lower Deck". Narito ang buod ng kabanatang ito:
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Doon masikip sa pasahero. Mayroong dalawang estudyante - Si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay na manggagamot; at si Isagani, isang makata na katatapos lang sa Ateneo. Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, sabi ni Padre Irene na tagapayo ng kapitan.
Napaling ang usapan sa balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio hindi raw ito magtatagumpay pero sabi ng dalawang estudyante magtatagumpay. Lumayo ang Kapitan.
Napagusapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ang kanyang tiyahin ay si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ang magkaibigan. Ipinakilala ni Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan niya sapagka't ang lalawigang ito'y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: "Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan". Napangiti si Simoun at nasabi niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay mga pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio;
"Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan."
Dumagdag pa si Isagani:
"lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan."
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani:
"Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao"
Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani nia ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina. Ayon kay Simoun pangarap daw dahil hahanapin pa ang makina.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni't nakita ng Kapitan si Padre Florentino at ito'y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
De TodoThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...