Ang Kabanata 28 ay may titulo na “Pagkatakot” or “Tatakot” na sa parehong saling Ingles ay “Fear”. Narito ang buod ng kabanatang ito:Nagwika si Ben Zayb na wasto ang kanyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.
Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil na kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ni Quiroga si Simoun ukol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay pero nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na huwag galawin ang mga ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio pero ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya nagtungo siya kay Ben Zayb. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya agad itong umalis.
Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiyago para ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Pumanaw na si Tiyago. Kumaripas naman ng takbo ang pari.
May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
РазноеThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...