Ang Kabanata 32 ay may titulo na “Ang Bunga Ng Mga Paskil” na sa salng Ingles ay “Effect Of The Pasquinades” lamang. Narito ang buod ng kabanatang ito:Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang na nagpapaaral ng mga anak samantalang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.
Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.
Nagmamadali namang magpunta sa Europa si Makaraig samantalang si Juanito ay kasama ng ama sa negosyo.
Pinalad namang pakapasa si Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nakulong pa ito.
Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selodahil sa kutserong si Sinong.
Napabalira ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
RandomThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...