Ang Kabanata 9 ay may titulo na "Ang mga Pilato" o sa Ingles ay "Pilates". Narito ang buod ng kabanatang ito:Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
"Ang Alperes o Tenyente ng Guardia Sibil? Ano raw ang kasalanan niya?"
Kaya lamag daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon at hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales at hindi niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
"Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales?"
Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas. Kung tignan siya ay parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
"Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli?"
Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil hindi marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Tales sa tulong ng salaping napag bilhan ng mga alahas ni Huli at nautang nito kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga Kura at gumawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
De TodoThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...