Ang Kabanata 29 ay may titulo na “Ang Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago” na sa bersyong Ingles ay “Exit Captain Tiago”. Narito ang buod ng kabanatang ito:Abala ang marami sa gaganaping marangyang libingan ni Kapitan Tiyago. Napunta ang naiwang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral.
Hindi nalaman noong una kung ano ang isusuot na damit ni Tiago sa kanyang lbing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano at mayroon naman nagsabing isang prak nga paboritong kasuotan ng Kpitan pero nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot.
Mayroon ding mga usaping nagpapakita ang kaluluwa niya na bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiyago si San Pedro ng sabong sa langit.
Marangya ang libing na paraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman niya na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
YOU ARE READING
ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)
AléatoireThis is report guide specialy for those grade 10 students na naghahanap ng buod ng kada kabanata ng Elfiliusterimo. Kasi diba kadalasan sa grade 10 pinag aaralan to sa filipino subject. Kaya pag pinag report kayo ng teacher nyo guys pwede kayong kum...