Kabanata 16: Ang Kasawian Ng Isang Intsik

923 12 0
                                    

Ang Kabanata 16 ay may titulo na "Ang Kasawian Ng Isang Intsik" na sa saling Ingles ay "The Tribulations of a Chinese". Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Quiroga ay isang negosyanteng Intsik. Nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan sa kabila ng hinaharap niyang pagkalugi ng kanyang negosyo. Pakay niya ay magkaroon ang bansa ng konsulado ng Tsina. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno mga prayle, at kapuwa negosyante.

Nandiyan rin si Simoun. Ang pakay niya's hindi lamang pagsama sa hapunan kundi maging ang paningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso.

Inalok naman siya ng alahero na maari niyang bawasan ang pagkakautang ng Intisk ng dalawang libong piso kung papayag siyan maitago ang armas sa kanyang bodega.

Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot si Quiroga dahil unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.

Nag-uusap naman sina Don Custodio ukol sa ipadadala sa India para matutong gumawa ng sapatos para sa sadatahan.

ELFILIBUSTERISMO (buod ng kabanata 1-39)Where stories live. Discover now