CHAPTER 3

2 1 0
                                    

MONTHS has passed Erin still living with her Tito and his family. Mula pagka bata ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na siya nito nasaktan pisikal man o emosyonal dahil sa galit nito sa kanyang magulang na hindi niya alam ang dahilan. Dapat ba siyang madamay sa galit nito? Isa lamang siyang anak na hindi dapat nadadamay sa pagitan ng mga ito. Buwan na rin ang lumipas ngunit pakiramdam niya palala ng palala na ang ginagawa sakanya ng kaniyang tiyo't tiyahin na minsan humahantong sa pananakit sa kaniya.

She was eating in their kitchen when she heard a loud slam of door. Pasuray suray na pumasok rito ang kaniyang tiyuhin na namumula ang mga mata na alam niyang naka gamit nanaman ng ilegal na gamot umupo ito sa kaniyang harapan at tumawa animo'y may nakaka tawa sa kaniyang mukha.

"Alam mo ba kung bakit ka namin napag pasyahan na kupkopin ng tita Imelda mo? Dahil sa perang minana mo" saka ito humalakhak ng malakas.

"Kung saakin lang ipinamana ng papa halos lahat ng ari-arian niya at di sa gahaman mong ama siguro lumalangoy na ako sa pera ngayon at lahat ng haharang harang sa daan ko maaabo" patuloy nito

Hindi na lang siya umimik dahil alam niyang wala ring saysay kung makikipag talo pa siya rito. Ampon lang ang kaniyang tito ng kaniyang lolo't lola dahil sa pag aakala nitong hindi ito mabibiyayaan ng anak ngunit maka lipas ang dalawang taon matapos amponin ng mga ito ang kanyang tito nabuntis ang kaniyang lola at iyon ang kaniyang ama.

Hanggang sa mag binata ang mga ito dala dala pa rin ng kanyang tiyuhin ang inggit at selos sa kaniyang ama dahilan upang mag rebelde ito sa edad na bente tres natuto itong mag bisyo at nag sugal na siyang ikinagalit ng husto ng mga magulang nito hanggang sa mamayapa ang mga ito. Mas lalong sumiklab amg galit nito nang mapag alam na tanging 3 resort lang ang minana nito at wala ng iba dahil halos lahat ay naipamana sa kaniyang ama.

"Siya nga pala Erin akin na muna 'tong black card na 'to ha? No limit naman 'to 'diba?" Sabay wagayway ng isang credit card.

"Tito wag naman po yan. Ginagamit ko po yan ee tsaka nasa inyo na lahat ng credit card ko itira nyo naman po yan sakin" malumanay na pakiusap niya rito ngunit ganon na lang ang gulay niya ng hampasin nito ng ubod ng lakas ang mesa dahilan upang matapon halos lahat ng kinakain niya

"Aba! Sumasagot ka na huh!? Nag hihigit ka na rin ngayon sa pera" hinablot nito ang kaniyang buhok at kinaladkad siya papasok sa kaniyang silid saka siya inihampas sa gilid ng kama niya tatayo na sana siya ngunit tinadyakan siya nito patalikod dahilan upang tumilapon siya sa lakas ng impact nito pakiramdam niya nabali ang balakang niya umiiyak na siya sa sakit ngunit mukhang di pa rin ito nakuntento dahil tinadyakan pa siya nito ng maramig beses napa tigil ito ng biglang may nasalita

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng tita Imelda

"'To kasing punyetang 'to nag hihigpit na sa pera" sabay turo sakanya linapitan siya nito at umupo sa harap at ngumiti buong akala niya tutulongan siya nito ngunit nagkamali siya dahil  mag asawang mamalakas na sampal ang natamo niya rito at sabunot na halos ika lagas ng buhok niya at tulad ng tito niya marahas nitong hinablot ang kaniyang pisngi at pinisil.

"Wag na wag mo kaming pag hihigpitan sa pera dahil yun lang ang pakinabang mo naiintindihan mo? "

Tumango nalang siya dahil hindi siya makapag salita dahil hawak nito ang kaniyang pisngi tanging pag iyak na lang ang kaniyang nagagawa. Marahas na binitawan nito ang kaniyang pisngi saka tinahak ang daan palabas ng kaniyang silid. Nang maka labas ito dahan dahan siyang gumapang paakyat sa kaniyang kama ngunit napa igik siya ng maramdaman ang pagkirot sa kaniyang balakang ngunit 'di niya iyon ininda dahil nagpatuloy siya sa pag gapang. "Tulong!" Iyon nang nasa isip niya kaya kinapa niya ang kaniyang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan at tinawagan ang numerong pag mamay ari ng taong alam niyang makaka tulong sakanya. She dialed the number and after three rings he finally answered.

"Hello?" Sagot nito

"H-help me I-i can't take this A-anymore" she said and after it she passed out.

My Kind Of LawyerWhere stories live. Discover now