CHAPTER 11

2 1 0
                                    

NAABUTAN nila ang General na kapatid ng binata na naka upo sa Mahabang sofa habang nasa KanDungan nito ang laptop may suot rin itong headset na mukhang busyng busy sa ginagawa

Tumingin ito sa direksyon nila dahil sabay silang pumasok ng kapatid nitong hanggang ngayon madilim rin ang itsura.

Hila hila ang pinamiling lumapit siya at umupo sa katabing upuan nito dahil nangalay  ang kaniyang mga paa dahil siguro sa mahabang pila kanina sa mall

"Uhmm. Dale tahimik yata 'tong bahay nasa'an yung tatlo umalis ba? Tulog?" Nagtatakang tanong niya rito. Kadalasan kasi pag pasok na pagpasok pa lang boses na kaagad ng tatlo ang maririnig.

"Ayun oh" sabay turo nito gamit ang paa.

Dumagungdong sa buong pabahayan ang kaniyang halakhak nang makita ang karumaldumal na itsura nito.  Naka tali ang tatlo sa tig iisang upuan at tanging kakaramput na underwear lang ang suot at nito.

"ERIIIIINN! Salamat naman sa diyos at umuwi ka na tulong naman oh. Paki tanggal 'tong tali ko" pagmamakaawa sakaniya ni roy habang nagpapa cute pa

"Anong tali mo langnapaka selfish mo talaga royal! Pwede mo namang sabihing "Erin pwede paki tanggal na 'tong tali NAMIN!" haynaku talaga" reklamo ni jeff

"Erin have mercy on us" sabi naman ni carl habang nag be beautiful eyes pa

Napa tingin siya sa taong may kagagawan ng pagkaka tali ng talo na tutok na tutok pa rin sa laptop nito. Gano'n ba ito kagaling para maitali ang tatlo nitong kasamahan ng mag isa lang?

1 vs 3 ang laban pero sa huli eto pa rin ang nanalo, Sabagay 'di naman ito magiging isa sa pinaka mataas na rango sa militar ng kung pipitsuging lang ito.

"Haynaku talaga kayong tatlo ano nanaman kasing kalokohan ang pinag gagagawa ninyo at humantong kayo sa ganito?" Panenermon niy rito

Ngumiti lang ang tatlo sakanya at pangusong itinuro ang binatang busy sa pag tipa sa laptop. Akmang lalapitan niya ito upang kalasin na ang tali ng may naramdaman niyang may humila sa kamay siya kaya siya napasubsob sa dibdib ng taong 'yon

"Are you out of your mind? They're almost naked and you will really help them? They are men for Christ sake!" Sermon nito sakaniya habang mariin pa rin ang pagkaka hawak nito sa pupulsuhan niya

"Ee kung ayaw mo tulongan ko sila edi ikaw ang gumawa" sabi niya rito at saka pwersahang kinalas niya ang pupulsuhan sa pagkakahawak nito

"Jeff, Roy at Carl si Attorney Cole na lang daw ang magkakalas ng tali niyo" sabi niya sa tatlo at dumiretso na siya sa kaniyang silid habang hila hila ang mga pinamili.

My Kind Of LawyerWhere stories live. Discover now