CHAPTER 30

2 0 0
                                    

"MASAKIT pa ba yang kamay mo?" Tanong ni Dale sakaniya habang may hawak itong bote ng beer.

"Hindi na masyado. Salamat sa gamot"

Tumango lang ito at uminom uli ng beer.

"Marunong ka bang mag gitara?"

"Yeah. My dad taught me to play guitar when I was six years old. Dinevelop ko na lang para mas lalo akong matuto"

Tumango tango ito"Then that's great! Wait kukunin ko lang yung gitara ko then kakanta tayo" anito sakaniya

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa resthouse at maya maya pa ay lumabas itong may bitbit na dalawang gitara

"Etong isa saakin eto naman ang sa'yo wag kang mag alala nag paalam na ako kay stephen kasi sakaniya talaga yan" ang tinutukoy nito ay ang gitarang hawak niya. Hindi naman talaga maipag kakailang si Stephen ang may ari ng gitara dahil naka ukit ang pangalan nito sa itaas na bahagi ng gitara

"Let's go?"

"Let's go"

Umupo silang dalawa sa harap ng naglalagablab na apoy at sabay rin silang kumuha ng beer at ilang pirsong inihaw na barbeque bago nag simulang mag strum ng gitara

Unang hagod pa lang niya sa string nito nagsilapitan na ang mga kasamahan nila at naupo pabilog sa apoy na nasa harap nila

Natulala ng makita kang may kasamang iba

At sa 'king puso ay may kaba

Nagtataka kung sa'n nga ba nagkamali o nagkulang ba?

Ano nga bang meron siya?

Hindi ko na malaman pa ang gagawin

Kakayanin kaya ika'y mawala at sakaniya'y ipaubaya

At hayaang sumaya ka sa piling niya?

Kakayanin kayang ika'y may iba at ang mahal mo'y kaming dalawa?

Akin na lang bang tatanggapin? Kakayanin kaya

"Ang feel na feel mo yung sakit huh? Pero sige sasabayan kita" Narinig niyang bulong ng katabi niya sakaniya

Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang taong nagdulot sakaniya ng sakit. Naka tingin ito ng diretso sa kaniya at hindi niya mabasa ang reakyon nito

Ipinagpatuloy na lang niya ang pag strum ng gitara at naki sabay sa beat na tinutugtog ng katabi

Hindi mo na kailangan pa ito'y sabihin pa na mayro'ng nagbago sa loob ng puso mo

My Kind Of LawyerWhere stories live. Discover now