KINAKABAHA siyang lumabas ng kanyang silid at iniisip kung ano ang idadahilan niya kapag nag tanong ang kaniyang tiyuhin kung saan siya pupunta dahil sa wala naman siyang malapit na kaibigan na maari niyang idahilan sa mga ito. Pinilit niyang maging maingat sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa ngunit napatalon siya ng may marinig siyang nagsalita sa kaniyang likuran.
"At sa'n ka naman pupunta ng ganito kaaga huh erin?" Ani ng kaniyang tiya imelda
Lihim na napapikit si erin dahil sa kaba
"Mamamasyal lang sana po ako tita at dadaan na rin po d'yan sa malapit na mall" sagot niya rito
"Oh s'ya layas na"
Mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa palabas ng kanilang bahay at pumara ng taxi habang nasana daan di maalis sa isip niya kung ano ba ang nilalaman ng last will of testament ng kaniyang mga magulang, kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang abogado nito dahil gaya ng mga napapa nood niya sa telebisyon minsan kung sino pa ang abogadong pinagkakatiwalaan ng pamilya ng mga bida ay sila rin ang tumatraydor rito para sa pera
"Manong sa heaven's cafe ho" magalang na sabi niya sa driver
"Opo ma'am"
Tahimik siyang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi dahil naaaliw siya sa kaniyang mga nakikita. Dahil sa madalang lang siya kung lumabas ng kanilang bahay kaya kaya siguro marami siyang napapansin sa kanilang dinaraanan at kung minsan ay hindi niya mapigilan ang mahumaling lalo na sa mga mayayabong na puno at magagandang bulaklak. Inilabas niya ang kanyang kamay sa labas ng bintana ng kotse at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat.
"Andito na po tayo ma'am"
"Eto po manong yung bayad"
Agad siyang bumaba ng kotse at nag lakad papasok sa cafe. Palingon lingon siya sa paligid at hinanap ang nagpakilalang abogado kamo ng kaniyang magulang.
"Excuse me ma'am are you Ms. Xander? " tanong ng isang crew sakanya
"Yes ako nga"
"This way ma'am at inihatid siya nito sa pinaka dulong bahagi ng cafe
Nadako ang kanyang tingin sa lalaking naka upo sa harap ng hugis bilog na mesa. Ang aura nito ay sumisigaw ng awtoridad kahit naka talikod pa ito sa kanya maganda rin ang built ng katawan nito na para bang araw araw nag gi gym. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito at nagtagumpay naman siya.
"You're 12 minutes and 13 second late Ms. Xander
"Sorry kung napag hintay kita"
"Your sorry don't change na pinag hintay mo ako. Anyway here's the documents containing the last will of your parent go and read it" sabay abot sakanya ng isang brown envelope.
Binasa niya ito at ganon na lang ang gulat nIya sa nabasa. Her parents is so damn rich! Tama ang kaniyang tito nang sabihin nito na kahit bilhin na niya na ang isang buong barangay di pa ito mauubos. Her parents is a billionare na kahit kailan hindi nito ipina mukha sa kaniya na ubod nila ng yaman dahil naka apak pa rin ito sa lupa at umaaktong napaka simpleng tao.
"40 five star hotel nationwide 28 hospitals 20 Restaurant 23 Universities 13 Fashion Boutique 16 Resort at bukod pa doon may mga sarili pang sakahan sa iba't ibang probinsya ang magulang mo Ms. Xander now tell me can you all manange it well?
"No. I can't. Can you help me?"
"Why do you think I will help you?
"Dahil ikaw ang pinagkaka tiwalaan ng magulang mo. Sila ang amo mo.
"Well, sila nga but unfortunately they're not here anymore"
"But I'm still here! I'm their daughter! I can hire you i can pay you"
"Give me one valid reason why do I need to help you"
Pumikit muna nang mariin ang dalaga bago sumagot.
"I need you to help me dahil nilalaspag ng tito ko ang pera na pinag hirapan ng magulang ko. Ginagamit nila ito sa bisyo nila at luho at kapag nagpa tuloy ito mauubos ang perang minana ko at babagsak ang kompanyang itinaguyod ng magulang ko"
Huminga ito nang malalim bago sumagot. "
"Good. Akala ko habang buhay ka na lang pagpapa uto sa tiyuhin mo. Alright. I will help you but keep me as your secret wag mong sasabihin kahit kanino 'tong pag uusap na 'to understand? "
She smiled "Yes Zer! Thank you!
YOU ARE READING
My Kind Of Lawyer
AcciónErin Xander is the heiress of her family her parent love her so much pero sa kasamaang palad namatay ito at naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na mukhang pera! Ginagamit nito ang kanyang minanang pera para sa mga luho nito Until Louie C...