CHAPTER 10

2 1 0
                                    

NAKA ngiti ito sakanya ng pag buksan niya ito ng pinto. Napansin niyang hindi ito naka uniporme na kadalasan nitong suot bagkos ay naka itim na slocks at brown na sweat shirt lang ang suot nito

"Hey Good Morning" bati nito sakanya

"Good Morning General Pasok po kayo" aniya rito

"Wag mo na akong tawaging General makaka tanda just call me Dale"

"But---"

"No buts" putol nito sa sasabihin niya

"Okay Dale Sige pasok ka"

Pumasok na ito sa loob samantalang siya ay isinara na niya ang pinto ng gate at tumuloy na rin siya papasok

Pagpasok na pagpasok pa lang niya harutan at tawanan na kaagad ang kaniyang narinig sa buong kabahayan Mukhang napag tripan ng "Three Musketeers" ang General nila

"Sana pala araw araw kang rest day general nang nakikita namin ang angking kakisigan mo kapag naka sweat shirt ka lang" pangbobola ni Roy rito

"Papa dale naiilab akesh sayuuuu!" Sabi ni jeff habang naka ngusu ito na  pwede nang sabitan ng sandok at pinipilit na panipisin ang boses

"Papa dale Anakan ko ako" pipitik pitik na sabi ni Carl

"Tumahimik nga kayong tatlo para kayong sira tsaka ano yang nasa ulo mo roy?" Turo nito sa hairpin na naka ipit sa buhok nito

"This is what girls called Hairpin. Bagay ba?" Sagot nito habang nagpapa cute.

Natawa na lang siya sa mga kalokohan nito. Noong una akala niya matatahimik ang buong bahay kahit may mga bantay siya ngunit nagkamali siya dahil pag dating sa kadaldalan mas nangunguna pa ang tatlo at pakiramdam niya na hawaan na siya nito

"Erin diba bagay naman sa'kin 'tong hairpin mo? Tanong sakanya ni roy

"Oo naman! Bagay na bagay sa'yo" natatawang sabi niya rito

"Sabi ko na barbie" sabi ni dale

Sabay sabay silang tatlong napa tingin rito na nanglalaki ang mata sa sinabi nito dahil ito ngayon ang sikat na linya ng mga kabataan lalo na kapag nang aasar ito

"Oh bakit? Akala ba ninyo kayo lang ang updated huh?" Naka pamewang na sabi nito

Nagulat na lang siya ng sabay sabay ang tatlong dinamba ang general at ginulo ang buhok gumanti naman ito sa mga kaibigan

Kung titingnan ang apat para silang mga hindi sundalo. Para lang silang mga kabataan na nagkaka tuwaan Maingat siyang umatras palabas ng sala upang di mapansin ng mga ito ang kaniyang pag alis

Nang maka labas siya ng gate dahan dahan niya itong isinara at pumara ng taxi papunta sa pinaka malapit na grocery store

HALOS mapuno ang kaniyang hila hilang malaking cart na puno ng pagkain mula sa mga frozen food hanggang sa mga toiletries na hindi lang para sakanya kundi para na rin sa tatlong kasama niya sa bahay

My Kind Of LawyerWhere stories live. Discover now