GABI na nang mapag pasyahan niyang bumaba at kumain kaya dali dali siyang nagtungo sa kusina at nagbabaka sakaling maaabutan niya ang binata sa kusina ngunit naka dama siya ng pagkadismaya ng makitang kahit bakas ng anino nito ay wala na sa buong kabahayan.
Nagpasya na lamang siyang mag luto kaya tinungo niya ang ref nito at kumuha ng mga sangkap sa kaniyag lulutuin. Natuto siyang mag luto sa edad na 13 dahil sa utos ng kaniyang tiyahin na sa tuwing pumapalpak siya kurot at sampal ang nakukuha niya.
Napa ngiti siya ng mapait tuwing naaalala ang pamilyang kaniyang kina gisnan pero nagpapasalamat pa rin siya sa mga ito dahil ito kumupkop sa kaniya sa loob ng labing apat na taon.
Nang matapos siyang mag luto at kumain hinugasan na rin niya lahat ng gamit na kaniyang nagamit dahil nakaka hiya naman kung maaabutan ito ng may ari na madudumi pa.
Habang nagpapa tunaw ng kinakain napag pasyahan niyang maglakad lakad sa gilid ng swimming pool kaya hinawi niya ang isang makapal na salamin na tanging harang nito at nang maka labas siya doon lang niya nadiskubre ang tunay na ganda ng poolside.
Tanaw na tanaw mula sa gilid ng pool ang bundok at ang mga puno na maliliit na lamang dahil nasa mataas na lugar siya. Kaya siguro naisipan na salamin na lang ang maging harang nito upang di masayang ang ganda ng lugar
Totoong matalino kung sino man ang nasa likod ng nag disenyo ng bahay na kaniyang pangsamantalang tinitirhan dahil kahit malapit sa bangin ang pool may kongkreto naman na salamin na animo'y sampung makakapal na patong ang nakaharang dito kaya hindi delikado kahit na lumapit pa rito.
She Inhaled and exhaled. Pinakiramdaman din niya ang lamig ng tubig na nanggagaling sa pool dahil naka lublob dito ang kaniyang mga paa ngunit may naaaninag siyang maliit na swich sa may dingding na pool kaya sa kaniyang kyuryusidad pinindot niya ito at namangha siya ng biglang uminit ang tubig sa pool. Ay! Ang taray!
Tumagal siya ro'n dahil di niya namalayan ang oras. Pasado alas nuebe na nang mapag pasyahan niyang umalis na at mag tungo sa sala upang manuod ng tv.
She was walking when suddenly a big family portrait caught her attention. Anim na tao ang naro'n. Lahat ito naka uniporme ng iba't ibang propesyon.
She lost her words because she was really amazed to the family. Lahat ito matatagumpay sa buhay at nalalarawan sa mukha nito ang saya pwera na lamang sa isang tao sa larawan na seryoso pa rin ang mukha. Sabagay kailan naman ito ngumiti?
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong sala at doon niya nakita ang isa pang picture ng binata. Sumisigaw talaga sa awtoridad ang presensya nito kahit sa larawan lang.
Kinuha niya ito at tinitigan. Kahit naka side view lang ito gwapong gwapo pa rin ito sa paningin niya. She giggled. parang ang sarap nitong maging boyfriend yung tipong masungit ito sa sa iba pero sobrang sweet naman nito pag dating sa kaniya.
Pinamulahan siya ng pisngi sa kaniyang naisip. Ano ka ba brain! Wag kang ganiyan! Alam niyang imposible ito dahil alam rin niyang hindi siya ang tipo ng babae na magugustohan nito. Sa dami ba naman ng babae na nagkakandarapa rito alam niyang taob na taob siya.
Ibinaba niya ulit ang larawan at imbis na manuod ng tv nag tungo na lamang siya sa veranda at tumingin sa kawalan. Binuksan niya ang lock ng salamin at nag muni muni. Alam niya sa kaniyang sarili na nagugustohan na niya ito pero siguro dahil tanging ito lamang ang taong nagpakita sa kaniya ng malasakit kaya gano'n ang nararamdaman niya at balang araw kapag nasanay na siya mawawala rin ito.
Patuloy siya sa pag tanaw sa labas ng may marinig siyang kaluskos na nangagaling sa gilid ng halaman ngunit binalewala lamang niya ito sa pag aakalang ligaw na hayop lamang ito ngunit dumaan ang ilang minuto patuloy pa rin ito sa pag kaluskos at pakiramdam niya may taong naka titig sakanya.
Dumadagungdong na ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba at pakiramdam niya nasusuka na siya dahil alam niyang wala siyang ibang kasama sa bahay at tanging sarili lang niya ang kaniyang maaasahan kung sakali mang may mangyari.
Kinakabahan siyang tumingin sa direksyon kung saan siya naka rinig ng kaluskos at dahan dahang umatras papasok sa bahay. Dahan dahan lang ang kaniyang naging galaw upang di mapansin ng taong Nakatitig sakanya na napapansin na niya ito.
Hanggang sa makapasok na siya sa bahay at dahan dahang ini lock ang glass door at wala pang ilang segundo tatlong putok ng baril na ang umalingawngaw sa buong kabahayan ngunit pasalamat siya at hindi tumagos ang bala nito sa salamin
She was very shock! Nanginginig ang buo niyang katawan sa sobrang takot at namamawis na rin siya ng malalamig. May nagbabanta sa buhay niya sigurado siya sa bagay na iyon. Nanginginig man pero pinilit niya niyang tumayo kahit nangangatog na rin ang kaniyang mga paa. She ran as fast as she can.
Nang makapasok siya sa kaniyang silid agad agad niyang kunuha ang kaniyang cellphone at tinawagan ang binata.
"Hello?" Sagot nito
"Please! Umuwi ka dito! May nagtatangka sa buhay ko! May bumaril sa salamin mabuti na lang di ako tinamaan please!" Histerikal na tugon niya rito. Patuloy pa rin sa panginginig ang kaniyang katawan pati na rin an kaniyang kamay.
"Shit!" He cursed. "Lock your room and stay inside I will be there in ten minutes."
And the call ended. Sa pagkakataong ito isa lang ang taong pumapasok sa isip niya na kayang gawin ang gano'ng bagay sakanya. Her tito Edu. Hindi talaga ito titigil hanggang sa di nito nakukuha ang gusto nito kahit pa buhay niya ang kapalit.
Sa ginawa nito mas lalo siyang naka dama ng diterminasyon na kunin ang lahat ng bagay na pag aari niya na kinakamkam nito.
Just be patient mom and dad. Kukunin ko lahat ng bagay na kinuha niya sainyo at ibabalik ko rin sakanila lahat ng kasamaan na itinanim niya.
YOU ARE READING
My Kind Of Lawyer
ActionErin Xander is the heiress of her family her parent love her so much pero sa kasamaang palad namatay ito at naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na mukhang pera! Ginagamit nito ang kanyang minanang pera para sa mga luho nito Until Louie C...