Authors Note

15.9K 406 30
                                    

Hi Violets!

May lilinawan lang sana ako mula sa mga nakabasa at magbabasa pa ng storya na ito.

May nagsasabi kasing kapareho daw ito ng isang Chinese Manga na Feng Ying Tian Xia (tama ba?) tatlo na po sila hehe

First of all, malayo po yung kwento niya sa Metamorphosis Princess. Kakabasa ko lang po ngayon at nakita kong may pagkakahawig pala.

Yung kwento ng manga ay isa siyang assassin na namatay dahil sa pagsabog dahil sa may tinangka siyang kunin na bagay sa isang cruise? (Not sure). Habang ang storya na ito namatay siya dahil sa isang kakaibang bagay na nanggaling sa Vander Tower.

Pareho silang may ibon pero iba ang ibon nung bida ng namatay siya samantalang ang sa kwento ko yung ibon na kasama niya ay siyang naging summon beast niya rin sa kabilang dimension.

Ang setting ng FYTX ay ancient China samantalang sa kwento na ito, nasa gitna siya ng dimension ng past at present dahil sa mga damit na parang pang-victorian era at nga kagamitan tulad ng cellphone.

Second si Blue at Ice (tama ba si Ice ba yung sa FYTX?) Pareho po silang Ice phoenix.

Sa Ancient China merong lima na beast na madalas gamitin sa karamihan ng storya na traslated in English. Ang Legendary Phoenix, Azure Dragon, Vermillion Bird, White Tiger, At Black Tortoise. (Mahilig kasi akong magbasa ng chinese novels) kadalasang Fire ang element ng Legendary Phoenix kaya naisip ko why not Ice naman?

Third, gender equality po ang theme ng storya habang ang FYTX ay paghihiganti at pagbawi ng dapat na sa kanya.

So kung may pagkakapareho man silang dalawa, coincidence lang ata iyon. Sorry po kung na-offend ko kayo in some way pero sana po basahin niyo hanggang dulo.

50 chapters lang ata ang natapos ko sa manga na iyon pero masasabi kong maganda. Mahirap lang sigurong ma-identify yung mga character kasi magkakamukha sila

So for the new Reader, please don't judge the book by its cover, Thank you

Love Violet

Ps. Kung may tanong po kayo wag kayong mahihiyang magcomment sasagutin ko po sa abot ng makakaya ko.

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon