CHAPTER 6

5 0 0
                                        

"Kailangan mo ng tulong ko?"

Tumango siya agad ng tanungin ko yun sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang nagtataka. 





Tanong ko sa kanya, "A-ano yun?" Pagkasabi ko nun sa kanya, nagsulat siya. Pagkasulat niya, ipinakita niya yun sa akin. 

Binasa ko ang nakasulat, sabi niya, "Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan papuntang Santiago City?" Napakunot ako ng noo at napaisip. Pagkatapos ko mag-isip, sabi ko, "Santiago City? You mean one of the cities in Isabela province?" 

Tumango siya nang tanungin ko yun sa kanya. Napakunot ako ng noo, sabi ko, "Pupunta ka doon?" Tumango siya. 

Luminga-linga ako sa paligid pati na sa likuran niya, na parang may hinahanap ako. Pagkatapos kong tumingin sa paligid, bumalik ang tingin ko sa kanya. Tanong ko, "Nasaan si Ms. Ricollejo? Pareho ba kayong hindi alam kung paano pumunta doon?" 

Hindi siya kumibo at nanatiling nakatingin sa akin. Nang tingnan ko ang itsura niya, dahan-dahan nawala ang kunot ng noo ko dahil unti-unti ko nang nare-realize. Tanong ko sa kanya, "Teka, kasama mo ba siya ngayon?" 

Nanatili siyang nakatingin sa akin. Tanong ko sa medyo mahina na boses, "Ikaw lang mag-isa?" Hindi pa rin siya kumikibo. 

Nang hindi siya kumibo, parang nalaman ko na tama ang hinala ko. Tanong ko sa mahinang boses uli, "Ikaw lang mag-isang pupunta sa Province of Isabela para pumunta sa Santiago City?" Dahan-dahan siyang tumango kaya medyo nagulat ako doon. 

Tanong ko, "Alam ba ni Ms. Ricollejo na pupunta ka doon mag-isa?" Dahan-dahan naman siyang umiling sa tanong ko. Pagkatapos niyang umiling, medyo napakunot ulit ako ng noo at nanatili pa ring gulat. Medyo nabigla rin ako kasi para bang tumakas siya sa kanila dahil aalis siyang mag-isa sa malayong lugar, which is Santiago City in the Province of Isabela, na hindi alam ni Ms. Ricollejo. 

Naku, siguradong nag-aalala na yun kung nasaan ang anak niya. Maya-maya pa, kinuha ko ang cellphone ko at sinabi sa anak ni Ms. Ricollejo, "Anong number ni Ms. Ricollejo? Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang number niya para matawagan o ma-text ko siya para sabihin kung nasaan ka—" Natigil ang sasabihin ko nang makita ko siyang mabilis na umiiling at winawagayway ang dalawa niyang kamay, parang sinasabi na huwag. 

Napakunot ako ng noo, sabi ko, "Ayaw mong tawagan ko siya para sabihin kung nasaan ka?" Tumanggi agad siya nang sabihin ko yun. Sabi ko, "Bakit naman hindi? Kailangan niyang malaman kung nasaan ka dahil siguradong nag-aalala na yun at hinahanap kung nasaan ka."

Nang sabihin ko yun, bigla siyang nagsulat. Pagkasulat niya, ipinakita niya yun sa akin. Binasa ko ang sinulat niya, sabi niya, "Huwag mong sabihin sa akin kung nasaan ako, dahil kapag nalaman niya kung nasaan ako, siguradong hindi niya ako papayagan na mag-isa na pumunta doon."

Pagkabasa ko nun, napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, tinitigan niya ako na parang nagmamakaawa na huwag kong tawagin si Ms. Ricollejo. Nang wala na akong magawa, itinabi ko na lang ang cellphone ko mula sa bulsa ko. 

Pagkatabi ko nun, nagsulat ulit siya. Binasa ko ang sinulat niya, "Maraming salamat. Ngayon, pwede mo na bang tulungan at sabihin sa akin kung paano makapunta doon?" Nanatili akong napakunot ng noo sa tanong niya. 

At nanatili naman siyang nakatingin sa akin na parang nagmamakaawa. Nang tinignan ko siya ulit, napatingin ako sa paligid ko. Pagtingin ko sa paligid ko, sabi niya sa akin, "Tara, umuwi na nga muna tayo sa amin, medyo delikado na dito sa paligid natin. Medyo late na rin kasi, eh. Okay lang ba sa'yo yun?" 

Napatingin siya sa paligid niya, at pagkatingin niya, napatango agad siya sa akin. Maya-maya pa, sabi ko, "Okay." Maya-maya pa, pumara na kami ng jeep. 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now