Prologue

274 12 0
                                    

Raven Terry

It was already 4pm and the sun is on its peak for its setting. Huminga ako ng malalim habang naka-indian seat at pinagmamasdan ang dagat. I am currently at CCP, at katatapos ko lamang mag jogging kaya naisipan kong magpahinga muna at pagmasdan ang magandang tanawin.

Nilanghap ko ulit ang simoy ng hangin ng maramdaman ko ulit itong dumampi sa balat ko. After a week ay isa na akong college student. Medyo naninibago pa ako sa atmosphere na meron dito sa Maynila dahil laking probinsya ako. Though lumalagi kami dito tuwing bakasyon or kapag umuuwi ang mga magulang ko galing sa US. Napagpasyahan kong mag-aral dito dahil gusto ko ng bagong environment dahil sa palagay ko ay masyado na akong nasstress sa probinsya.

Kasalukuyan akong nakatira sa isang condo unit sa Sta. Mesa malapit lamang sa University na pinagaaralan ko. At napadpad lang ako dito sa CCP dahil gusto ko munang magliwaliw at i-explore pa ang Maynila.

Palubog na ang araw at naisipan kong kuhanan ito ng litrato. Napakaganda talaga. Naglakad-lakad ako ulit para makakuha pa ng mas magandang anggulo ng sunset, hanggang sa mapadpad ako sa hindi mataong pwesto. Open naman ito, ngunit walang katao-tao dahil mga daungan na ito ng mga yacht.

Perfect.

Pinagpatuloy ko parin ang pagkuha ng nlitrato sa iba't-ibang anggulo at iba-ibang filter na pwedeng magpaenhance pa sa litrato nang may mapansin akong dalawang lalaki sa malayo na nag-uusap. Hindi ko na maaninag ang mga mukha nila dahil sa lighting at mukha nalang silang silhouette sa paningin ko. Nakatayo sila pareho at magkaharap. Kung tatanongin ako ay sa palagay ko nag-aaway ang dalawa dahil panay ang duro ng maliit na lalaki sa matangkad na lalaki. Hindi ko nalang sila pinansin at sa halip ay kinuhaan ko nalang sila ng litrato. Natuwa ako sa kuha ko dahil para silang painting kasama na ang background nilang sunset. After taking some photos, I decided to jog one more round. So I plugged my earphones at nagsimula nanamang magjogging.

After 30 minutes ay hinihingal na ako at napagdesisyunan ko nang umuwi. The sun is already gone at nakikita mo na ang mga bituin sa langit. I opened my phone para makapagsearch kung may malapit bang kainan dito para makapagbook na ako ng Grub when someone caught my attention. No actually, it's something. People suddenly running towards sa direction na tinambayan ko kanina.

Out of my curiousity, sinundan ko ang mga taong nagkukumpulan, mga nagsisiksikan. Tulad ng iba ay, isiniksik ko rin ang sarili ko para malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nang makarating sa dulo ay agad akong nagulat sa nakita ko.

A CORPSE?!

Ms. Terry's Mystery FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon