Chapter 8: The Case of the Missing Girls III

57 6 1
                                    


File #4

Raven Terry


Hiro, Hades and I planned late last night. Kaya heto ako ngayon pupungay-pungay ang matang pumasok. I braided my hair gaya ng mga buhok ng mga biktima. Mahaba naman ang buhok ko, straight ito na abot dibdib ang haba kaya hindi ako nahirapang itali ito.

Naalertuhan narin ang mga pulis kaya siguradong safe naman kami sa gagawin namin.

Dumiretso na ako ng classroom at naupo agad. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa arm table ng upuan para kumuha ng kaunting idlip.

Plano namin ngayong komprontahin si Mr. Ryan Rey dahil siya ang may pinakamataas na probabilidad na maging suspect. Kakausapin namin siya after class para kasama ko si Hiro at Hades.

“Raven.”

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at hindi nalang pinansin si Isabella na nangungulit nanaman sa tabi.

“Puyat ka yata ah?” Tanong ulit nito. Ngunit hindi ko parin ito pinansin.

“May ipinagkakalat nanaman itong bestfriend mong si Emma.” Bulong ulit nito sa akin, ngunit hindi ko nalang ulit ito pinansin. Dahil for sure, hindi naman totoo ang sasabihin nun.

“Ipinagkakalat niya na f*ck girl ka raw kasi may mga kasama kang lalaki sa condo mo?”

Agad naman akong bumangon at tinignan ng mariin si Isabella. Ano nanamang trip nitong ni Emma at kung ano-anong fake news ang sinasabi nito?

“Don’t worry Raven, hindi ako naniniwala sa kaniya.” Kitang-kita ko sa mata ni Isabella na nag-aalala ito.
I just shrugged my shoulder at bumalik sa dating pwesto ko.

“I don’t care what she thinks. At least I’m not a story maker like her. A statement without evidences is considered as useless. Walang. Kwenta.” Paliwanag ko dito at sa kabutihang palad ay tumahimik na ito.

Maya’t-maya pa ay pumasok na ang unang subject namin at dahil Friday ay agad bumungad ang seryosong mukha ng kuya ni Hiro. Si Mr. Haruko Orosa.

“Good Morning class, let’s start our long quiz.” Ani nito.

At doon na nag-umpisa ang pakikipaglaban ko sa aking antok.

*

After the first period ay parang nanakit ang mata ko dahil sa pagpipigil ng antok ko. Nairaos ko naman ang quiz kaya hindi na ako masyadong nag-aalala doon.  

Second subject na at hinihintay na namin ang aming susunod na professor na si Mrs. Gonza. Habang wala pa siya ay ipinikit ko muna ang mga mata ko nang makarinig nanaman ng bulung-bulungan sa gilid. Ewan ko kung malakas ang pandinig ko, o sinasadya talaga nilang iparinig sa akin.

“Okay lang maging bobo, wag lang f*ck girl.” As usual, kanino pa ba iyon manggagaling?

I just heaved a big sigh, as I usually do. Agad akong umayos ng upo at nakita ko itong nasa harap ko habang nakangiti.

I replied a sarcastic smile to her at agad na tinignan ito ng masama.

“Ayy, sorry. Natamaan ka ba? Pasensiya na.” Maarteng sabi nito. At OO, she’s really annoying me.

Ms. Terry's Mystery FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon