Chapter 7: The Case of the Missing Girls II

72 6 0
                                    


File #4

Raven Terry

Naalimpungatan ako sa liwanag na dumadampi sa mukha ko at doon ko narealize na umaga na at nakatulog ako kagabi dito sa sofa.

Yes, I remember everything. That fucking triggers are shit. My medicine are not even with me. Hindi ko naman alam na aatakihin ako ng sakit ko. Maybe what Hades and Hiro made me feel woke up the demons inside me. Ito ang dahilan kung bakit ayoko nang mga kaibigan. I just want to be alone, I need to be alone.

It’s Thursday today.

Napagdesisyunan kong umabsent nalang dahil late narin naman ako at 10am na. Damn.

I checked my phone at nanlaki ang mata ko nang makita ang napakaraming miscalls at texts na galing kay Hiro at galing sa isang new number.

It’s probably Hades.

“Tsk.” Pailing-iling akong umakyat para kunin ang tuwalya at robe ko para maligo na.

After I took a bath I just cooked my late breakfast while reviewing my notes in the case.

For the record and pinakapossible na maging suspect ay si Mr. Ryan Rey at Mrs. Pinky San. Mr. Rey, had a past in harassing young girls, while Mrs. Pinky San, maybe kidnapping girls to have revenge. Pero ang hindi ko maintindihan anong koneksyon ng mga nawawalang babae sa isa’t-isa?

Anong motibo ng kidnapper?

May isang kutob ako na maaaring maging isang sanhi ngunit kailangan ko munang maniguro. Ang mga biktima na sina Erica Polis, Arcie Gomez at Pamela Roswa ay hindi magkakakilala. Magkakaiba ang course nila at walang ni ano mang bagay na makakakonekta sa mga ito.

But Mrs.Gonza... Pare-pareho niyang estudyante ang mga iyon. Pero anong rason?

Kailangan kong matanong ang mga witness at suspects agad-agad.

Kung tatanungin ko sila bukas or mamaya baka pwede pa akong makakuha ng impormasyon. At mauunahan ko sila Hades at Hiro na masolve ang case.

Okay, now I have a plan. Kapag nasolve ko ang case na ito, it will serve as a trophy para hindi na nila ako maliitin.

Basta! Atleast it will make me feel better.

Hindi ko napansin na nasusunog na pala ang niluluto ko dahil sa nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

“OH SHIT.” I cussed nang makita ang kulay itim na itlog sa kawali. I just groaned at sinipa ang upuan na nasa harapan ko. Itinapon ko ang sunog na itlog sa trash bin at pabatong inihagis ang kawali sa lababo.

Sa sobrang inis ko ay hindi nalang ako kumain ng kanin at nagtsaa nalang.

Tahimik kong sinisimsim ang mainit na tsaa habang nag-iisip ng mga paraan kung paano ko mapapaamin ang kidnapper. Wala na akong pakealam kung serial killing or kidnapping man yan. Because I’m sure, I can take them off by my karate skills.

Naagaw naman ng cellphone ko ang atensyon ko nang bigla itong mag-ring. Nakalagay naman ang unknown number sa caller ID. Maybe it’s Hades. Hinintay kong mamatay ang tawag bago ko buksan ang cellphone ko para icheck ang napakaraming message. 20 Messages ang galing kay Hiro at 10 naman ang galing sa unknown number.

“Answer the phone Ray.”

“We’re sorry.”

“Hey, una na kami, we’re just next doors if you need us.”

Yan ang ilan sa mga text messages ni Hiro. At ang mga text naman ni Hades ay kagaya rin ng mga text ni Hiro except, may pangalan niya sa huli. I knew it.

Ms. Terry's Mystery FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon