File #5
Raven Terry
Tulad nga ng sinabi ni Hades, nasa isang restaurant kami ngayon. Kung ililibot mo ang paningin mo ay malalaman mo na pangyayamanin nga ito. Luckily, the restaurant is 24 hours open and it has a lot of variety of foods like dessert, pastries, and cakes and of course meals.
Nakaupo kaming tatlo sa isang pabilog na lamesa na may pulang kamiseta. May mga candlelight at vase na may lamang mga rosas sa ibabaw nito.
“Wow, this is a five star restaurant.” I mumbled unconciously but the two detectives have good hearing that is why they both glanced at me.
“It depends on the food.” Pangongontra ni Hiro. I just ‘tsked’ at him at inirapan siya. Hindi halata, pero kanina pa niya ako binabara. It’s like he’s always against my words.
Bigla namang may waitress na lumapit sa amin. Nakasuot ito ng puting polo at nakapatong ang black na vest. Tinignan ko ang kabuoan nito at napansin ko nga na ‘Sam’ ang nakalagay sa nameplate niya.
“Good Evening Maam and Sir, may I take your order?” Nakangiting tanong nito. Nakaayos ang buhok nito at mayroong kaunting make up.
“Uhh, what is your specialty here?” Tanong ni Hades habang tumitingin sa menu.
Bahagya namang nag-isip ang waitress at tsaka bumaling muli sa amin.
“Dahil sa palagay ko ay mga teenagers kayo. Magugustuhan niyo ang roasted beef steak with mushroom and broccoli. Or kung isa po kayong vegetarian we have fried tofu and broccoli with Caesar salad as the side dish.” Tuloy-tuloy nitong sabi nang hindi manlang tumitigil.
“Woah, you really know all of this huh?” Nakangisi kong puri dito na ikinangiti naman nito lalo.
“It’s a thing that you don’t understand.” Halos hindi na makita ang mata nito dahil sa sobrang pagngiti. I groaned when she patted my head like a child.
“Three roasted beef and three chocolate ice cream.” Hades plainly said and she wrote it on her notes.
“Coming up!” Masigla nitong sabi saka umalis para siguro iabot ang order sa chef.
Tahimik lamang kaming tatlo habang hinihintay ang order namin. Nakapalumbaba lamang si Hades habang tinitignan ang paligid, nakapatong ang dalawang siko nito sa mesa. Samantalang si Hiro naman ay nakasandal sa kaniyang upuan at tulad ng lagi nitong postura ay walang makikitang emosyon sa mukha nito habang nilalaro ng kaniyang daliri ang labi nito.
I just sighed dahil wala akong magawa para sa kagutuman ko. Siguro sa susunod ay lagi na akong magbubulsa ng pagkain para kapag nagutom ako ay mayroon akong kakainin. Bawal pa man din ako malipasan ng gutom.
Umayos nalang ako ng upo at pinagcross ang dalawa kong bisig sa dibdib at ipinikit ang mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit ngunit nang maamoy ko na ang paparating na pagkain ay awtomatikong bumukas ang mata ko. Damn, I’m so hungry.
“Bakit parang gutom na gutom ka Raven? Nagevolve ka na ba at naging patay gutom na?” Pang-aasar ni Hiro habang nakangisi. I just rolled my eyes at him at pinagmasdan nalang ang mga pagkaing isa-isang ibinababa ng waiter sa lamesa.
Pagkalagay nito sa tapat ko ay agad kong kinuha ang tinidor at kutsilyo para hiwain ang karne at kinain ito. Halos mapapikit naman ako sa sarap ng pagkain.
“Shit, this is so good.” Wala sa sarili kong sabi. Hindi ko na pinansin ang dalawa na nakatitig sa akin kaya umiling nalang sila at kumain na.
“Bakit ba gutom na gutom ka ha? Hindi ka ba kumakain?” Nakakunot ang noong tanong ni Hiro.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mystery Files
Mystery / ThrillerRaven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unraveling all the mysteries in the world including people behind serial killings, that made her do...