Chapter 3: They Call it Suicide

112 7 1
                                    

F I L E #2

Raven Terry

A week had passed when the murder happened. And Hiro? After we took the Grub and went to MOA kumain lang kami sa isang restaurant at wala namang nangyari. After we exchanged names which I found out that his real name was Hiroki Orosa, wala nang nagsalita sa amin.

Wala ako sa mood makipag-usap kahit alam kong marami siyang gustong sabihin dahil ilang beses ko siyang naririnig na bumuntong hininga at napapansing panay ang sulyap nito sa akin. Pero dahil siguro napansin niyang wala akong balak kausapin siya ay hindi nalang siya nagsalita at tahimik nalang na kumain na ikinapasalamat ko. Matapos naming kumain ay ako na ang unang nagpaalam at walang lingo-lingong naglakad papunta sa hintayan ng Grub. Matapos ko ring makapag-book ay nakauwi ako ng maayos sa tinutuluyan kong Condo.

At ngayon ay tahimik na akong kumakain ng almusal ko habang binabasa ang dyaryo na binili ko sa baba. Nakapagready naman na ako for school and I still have 45 minutes bago mag-start ang first period.

Habang sinisimsim ang mainit na tsaa, a news article caught my attention.  Ang laman ng balita ay tungkol sa isang estudyante sa unibersidad na pinapasukan ko. Sinasabi na tumalon raw ito mula sa rooftop ng isang condominium malapit sa condo na tinitirahan ko.

Isang graduating ngayong school year na nagngangalang Kervee Ybanas ang nasa loob ng balita. Nakalagay rin na ang oras ng pagkamatay ay 2:34am. 

“Kung nangyari ito kaninang madaling araw edi ibig sabihin nandiyan parin ang mga imbestigador?” Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero sobra ang excitement na naramdaman ko sa dibdib ko kaya agad kong inubos ang tsaa ko at mabilisang sinubo ang natitirang kanin at itlog atsaka uminom ng tubig at dali-daling kinuha ang mga gamit ko at inilock ang pintuan.

Dumiretso ako sa elevator at mabilis na pinindot ang ground floor. Mabuti nalang at walang uniform requirement ang course ko kaya malaya akong nasusuot ang mga komportable kong damit para sa mga ganitong pangyayari. Nang narinig ko ang hudyat na nasa ground floor na ako ay agad akong tumakbo at dumaan sa ‘backdoor.’ Tinatawag ko itong backdoor dahil bukod sa literal na nasa back ito ay may daan rin rito para madaanan ang condo na pinangyarihan ng suicide.

Napatigil ako sa rami ng taong nakikiosyoso sa pangyayari. Napansin ko na halos lahat ng taong naroon ay mga estudyante at papasok na rin sa mga klase dahil nakasuot pa ang mga ito ng ID lace na kagaya sa akin. Sa dami ng nagkukumpulang mga tao ay hindi ko alam kung saan ako dapat dumaan. At ang ugali kong ayaw sa masisikip ay tila nawala dahil hindi ako nagdalawang isip na sumiksik dahil iyon nalang ang paraan para makita ang crime scene.

At the back of my mind ay nagtataka ako sa ikinikilos ko. I know myself and I memorized all of my traits but this urge for feeding my curiosity is really unfamiliar. Akala ko ay hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong excitement at nagkataon lang na nasa mood ako noong sinubukan kong makialam sa case sa CCP. 

Napatigil ako sa pag-iisip nang makapunta ako sa pinakaharap, wala na ang bangkay ngunit may puting drawing ng chalk ang huling pwesto ng biktima. Nagkalat parin ang mga dugo at marami paring pulis ang naroon.

“Akala ko ba suicide? Bakit nandito parin sila?” Wala sa sariling bulong ko sa sarili ko.

Sinilip ko muna ang relo ko at  tumingin ulit sa mga pulis. May 20 minutes pa ako bago ang first period ko. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako diba? Napatigil ako ng marealize ko ang iniisip ko. Hindi ako ito.  Bakit ba ako magtatanong? Sayang lang oras ko kapag nag-stay pa ako dito. At isa pa, tapos naman na ang kaso dahil nag-suicide raw ang estudyante.

Ms. Terry's Mystery FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon