File #4Raven Terry
Mabilis lumipas ang araw at sa kabutihang palad ay nanahimik ang buong linggo ko. Except that death glares of Emma Golloid which I don’t f*cking care. Well, she should thank me that no one knows about what she did to me and no one knows her dark secret. Yes, walang nakakaalam na isa siyang house keeper sa condo na tinutuluyan ko. Magpasalamat nalang rin siya dahil wala akong balak ipagkalat ang sikreto niya dahil naaaliw akong panuorin siyang magsinungaling. Goodluck nalang sa mga taong napapaniwala niya.
I am currently staring at the white board while waiting for our next prof. Oo, literal talaga na nakatingin lang ako sa harapan habang nag-iisip ng kung ano-ano. Nalingat nalang ako ng biglang may umupo sa tabi ko.
At kaya kong hulaan na si Isabella iyon.
Bukod sa amoy na amoy ko ang pabango niya ay siya lang ang may lakas ng loob na lapitan ang nakatungangang ako.
“What is it Isabella?” Malamig na tanong ko dito habang nakatingin parin sa harapan.
“Nabalitaan mo na ba?” Excited na tono nito. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong hindi nanaman ito maawat.
“Yung balita?” Tipid nanaman nitong sabi. Alam kong inaasar nanaman niya ako sa mga paputol-putol nitong linya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinipigilan ang sarili kong mapikon.
“Na kumakalat dito sa university?” Putol ulit nitong sabi. Huminga muna ako ng malalim at saka nakangising humarap dito. Napansin ko ang marahang paglunok nito at pilit na ngiti.
“Just spill the whole tea Isabella before I slap your face.” Nasa pinakamalamig kong tono na may halong pagbabanta. Mahaba pa naman ang pasensya ko ngunit maski ako ay na-eexcite sa kung anong sasabihin niya. Pero hindi ko ipinakita ang excitement ko.
“Ito na, ito na talaga. Sorry na, pikon ka kaagad eh.” Nakataas ang kamay nitong suko.
“Spill.” Matipid kong sabi dito at agad siyang tumango.
“May nawawala raw na mga estudyante dito sa university. At puro babae raw. Hindi ko na alam ang ibang detalye eh, pero narinig ko lang yung mga estudyante sa canteen kanina. Kasama nga raw sa mga nawawala ang 3rd year na tourism student na sikat. Yung, Pamela Roswa.” Nanlalaki ang mga matang kwento nito. Hindi nagbago ang emosyon ko ngunit napunta nanaman ako sa isang malalim na pag-iisip na hindi ko namamalayang nakatingin parin ako dito.
“Hoy Raven, wag mo nga akong titigan, ang creepy.”
Ilang beses ko munang ikinurap ang mga mata ko at umiling-iling nalang. Sakto namang dumating ang aming second subject na guro na si Mrs. Gonza. With her usual light aura siguro dahil narin sa naka-half pony tail nitong buhok at hindi masyadong makapal na make-up isama mo narin ang kanyang usual bright smile, hindi mo makikitaan na may dinaramdam ito. Our president told us that she lost her one and only daughter last month because of cancer. Sabi rin ng president namin na huwag nalang mag-open up about sa ganoong topic because we need to be sensitive.
“Sorry class, I’m a bit late, may dinaanan lang. Anyway, Good Morning.” Nakangiting bati nito sa klase. Agad rin naman namin itong binati at doon nanaman nagsimula ang klase namin sa Economics.
*
Natapos ang second subject namin at ngayon ay tahimik akong kumakain ng corndog sa field. Wala akong kasama, dahil tinakasan ko ang mga kaklase ko lalo na si Isabella. I want to think alone. Nakatulala lang ako sa field habang pinagmamasdan ang mga taong nagpapractice ng iba’t-ibang field sports. Nang bigla kong naalala ang sinabi ni Isabella tungkol sa mga babaeng nawawala.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mystery Files
Misterio / SuspensoRaven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unraveling all the mysteries in the world including people behind serial killings, that made her do...