F I L E #1
Raven Terry
I watched the medical team as they put away the corpse. Nakatayo parin kami sa gilid ng dagat at ganun din ang mga kaibigan nito. Kausap ngayon ng mga pulis si Hiro at may pinakita sa kaniya ang mga pulis na natagpuan na ebidensiya na nakalagay sa isang plastic. Kinuha iyon ni Hiro at dinala sa harap ng mga suspects.
"Can you tell me kung kaninong car keys ito? Naiwan ito sa jacket ng biktima." Tanong ni Hiro sa mga ito nanlaki naman ang mga mata ni Vico na siguro ay nagmamay-ari nito.
"I-it was mine! B-but I didn't know bakit iyon napunta dyan!" Sigaw nito.
Napahawak naman sa bibig si Marie at pinuntahan si Vico at umiyak habang pinaghahampas niya ito.
"WALANG HIYA KA! VICO! How could you do this to us! How could you do this to your brother! He loves you so much! How dare you!" Sigaw ni Marie dito habang umiiyak.
Uhh, I really hate scenes like this. It's so dramatic, and cliché. Agad namang pinigilan ni Rico at Coby si Marie at inilayo ito kay Vico. I-noticed something different pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at tinignan nalang ang phone ko. I looked at my pictures na kinuha ko kanina at tila nabawasan ang pagod ko dahil narerelax ako sa mga nakikita ko.
"Nice shot." Nagulat ako at napatingin sa likod ko at halos mapasigaw ako nang makita si Hiro na malapit na ang mukha sa akin.
"Can you just stay away from me? You scared me!" I scowled at him. Nag-peace sign siya sa akin at inagaw ang phone ko.
"Hey what are you doing--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapansin ko ang isang kuha kong litrato sa cellphone ko na hawak ngayon ni Hiro.
"Give me that." Pag-aagaw ko kay Hiro na ikinabigla naman niya. So what? It's my phone anyway.
Ilang beses akong kumurap at ilang beses palipat-lipat ang tingin ko sa biktima at phone ko.
Kung hindi ako nagkakamali, hindi kaya ang biktima ang nakuhaan ko sa cellphone ko na silhouette?
Mas tinignan ko pa ng mabuti ang litrato. They have the same build, and this is around the estimated time that the murder happened.
"Wow, just as I thought, you have the evidence." Nagulat ulit ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Hiro ngunit hindi ko na ito masyadong pinansin.
"So this will prove that Vico is the Killer?" Tanong ko sa kaniya, ngunit ngumiti lang ito ng matamis at agad itinuon sa tao ang tingin.
"Okay people, I think I know who is the killer. This lady here have the Evidence. But before that, can you answer me, how did you all get here? "
"I rode with Vico dahil pinasundo ako ni Jonas sakaniya." Una nang sabi ni Marie.
"I'm with Rico at mag-isa namang pumunta si Jonas. I think nag-grub lang siya.." Pageexplain naman ni Coby. Kung hindi niyo lang po alam, ang Grub po ay isang app na kung saan pwede kang magpasundo, parang taxi na kailangang i-book online. Okay?
"Hmm. Perfect. So you decided to go here dahil sinabi ni Jonas na pumunta kayo dito diba?" Tanong ni Hiro at lahat naman ay sumang-ayon.
"Delightful." Komento ulit nito at inilagay ang mga kamay sa bulsa nito.
"So, Marie Escova, tell us the reason why you killed the Victim." Walang kapreno-prenong bulalas ni Hiro. So, si Marie iyon at hindi si Vico? Tulad ko ay nagulat rin ang iba pa nilang kasamahan at ganun din si Marie.
"How dare you to point your fingers at me! He is my fiancé! And I love him so much!" Sigaw ni Marie kay Hiro ngunit mukhang hindi ito nababahala sa babae.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mystery Files
Mystery / ThrillerRaven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unraveling all the mysteries in the world including people behind serial killings, that made her do...