Chapter 10: The Embalmer

91 7 2
                                    

File # 6

Raven Terry

Nag-inat ako nang matapos ang aming second subject na hudyat na break time na namin. Sinenyasan ko naman si Isabella na hindi ako sasabay na ikinapasalamat ko dahil na-gets niya kaagad. May usapan kasi kami ni Hiro at Hades na magkikita kami ng breaktime dahil may sasabihin raw sila sa akin. Agad na akong nag-ayos ng mga gamit ko para makaalis na.

Mag-iisang buwan na ako dito sa Polyeaster University. At marami na rin akong napagdaanan. Paano pa kaya pag nag-isang buwan na?

Makakaabot ba ako doon? Of course!

Tsk!

Dumiretso na ako sa field dahil doon naman talaga ang meet up naming tatlo.

Nasa malayo palang ako ay kitang-kita ko na ang dalawang binatang nanggugulo ng buhay ko. Si Hades ay nakaupo sa damuhan habang nakasandal ang likuran sa puno.

Nakatali ang buhok nito na ikinaganda naman ng itsura niya.

Nakatingin ito kay Hiro na para bang may-sinasabi ito dito.

Samantala, si Hiro naman ay nakatayo at nakaahrap kay Hades.

Naka-all white kasi ito kaya siguro ayaw nitong maupo sa damuhan, sa takot na madudumihan kaagad ang kaniyang damit.

“Rave!” Sigaw ni Hades habang kumakaway-kaway pa ito sa akin.

Tinanguan ko lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Hey.” Bati ko sa mga ito. Nginitian naman ako ni Hades samantalang tinanguan ako ni Hiro.

“So, ano ngang sasabihin niyo sa akin?” Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at itinanong na kaagad sa kanila ang kanilang pakay.

Agad namang tumikhim si Hiro at hinarap ako. Pansin ko ang magulo nitong buhok at ang seryoso nitong awra.

“The University’s President approved our club. We hoped that you could join.” Seryosong pagpapaliwanag nito.

“’Lost and Found.’ Ayan ang pangalan ng club namin, matatagpuan kami sa 3rd floor, West wing building room#205.” Singit naman ni Hades.

“Bakit hindi nalang tayo doon nag-meet?” naguguluhan kong tanong sa mga ito.

“Nice question Rave. Pina-renovate kasi namin ni Hiro eh.” Malaki ang ngiting sabi ni Hades habang kinakamot ang kaniyang batok.

These rich kids. Renovating rooms that just got approved. I wonder kung paano nila na papayag ang President.
 
“So will you join us Rave? Bukod kasi sa mga lost and found pwede rin silang kumonsulta sa amin as a detective.” Mayabang na paliwanag muli ni Hades habang nakatingin pa sa malayo. Kumikislap ang dark green nitong mata na mahahalata mo sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.

Maganda nga ang club nila.

Nakakaaliw at kaunti lamang ang tao.

Tinignan ko muna si Hiro, ngunit nakakunot ito habang nasa malayo ang tingin. Bakit parang palagi nalang itong badtrip sa buhay niya?

“Sure, I’ll join you.” Agad-agad kong pagsang-ayon. Agad namang nag ‘Yes’ si Hades habang may patalon-talon pang nalalaman. Pinasadahan ko naman nang tingin si Hiro at malalaki ang matang nakatingin sa akin.

“What?” Maangas kong tanong rito ngunit umiling lang ito at...

Wait.

Did I just saw him smile?
Napakunot ang noo ko sa isiping iyon.

Ms. Terry's Mystery FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon