F I L E #1
Raven Terry
Agad akong lumapit sa bangkay na basang-basa at nakakulay itim na Jacket at butas-butas ang puting t-shirt. Kung hindi ako nagkakamali ay pinagsasaksak ito ng walang awa. Kinapa ko ang balat nito at naramdaman kong medyo naninigas na ito at malamig na.
"Tumawag kayo ng pulis!" Sigaw ko sa mga tao doon ngunit siguro dahil sa pagkabigla ay walang sino man sa kanila ang gustong gumalaw.
Kinapa ko ang bulsa nito ngunit wala na akong nakita roon, maliban sa wallet. Kinuha ko ito gamit ang bimpo ko at binuksan, ngunit wala rin itong laman na cash at walang laman na kahit na anong identity card.
"Sino po ang nakahanap sa bangkay?" Agad kong sigaw sa mga tao roon at nagtaas naman ng kamay ang dalawang lalaki na nasa mga 40 yrs. pataas, nakasuot sila ng sando at may mga hawak na goggles. Kung hindi ako nagkakamali ay mangsisisid ang mga ito.
"Nakita po namin siya na palutang-lutang malapit sa mga bato, akala po namin ay nalunod siya ngunit noong pag-angat namin sa kaniya ay puno na pala ito ng saksak." Pagpapaliwanag ni Manong.
"Kakilala niyo po ba siya?" Tanong ko sa mga ito, ngunit agad silang umiling. Tumango nalang ako sa kanila at kinuha agad ang cellphone ko para magdial ng emergency number. Ngunit bago ko pa ma-dial ang numero ay agad akong napalingon dahil sa lalaking sumisigaw papalapit sa amin.
"Kuya!" Sigaw ng isa at agad na lumapit sa bangkay.
"Huwag mo siyang hahawakan, baka mawala ang ibang ebidensiya sa kaniya." Pagpipigil ko sa lalaki. Agad itong tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Sino ka ba? Anong karapatan mo?" Pagsusungit nito sa akin.
I tried to stop rolling my eyes, pero sa kasamaang palad ay hindi ko ito napigilan.
"Uhh. I am a concern citizen here. At kung gusto mong malaman kung sino ang pumatay sa Kuya mo, sagutin mo ang mga tanong ko." Seryoso kong sabi sa kaniya habang tinitignan ito ng diretso sa mata.
"Pumatay? Pinatay si Kuya?" Di makapaniwalang tanong nito. At tinanguan ko lamang siya bilang sagot.
Hindi ko alam kung ilang beses na siyang napamura nang di siya makapaniwalang pinatay nga ang kuya niya. Agad akong lumapit sa kaniya at inanyayahan siyang lapitan ang bangkay.
"You see, maraming beses sinaksak ang kuya mo." Pagpapaliwanag ko habang tinuturo ang mga butas sa kaniyang damit.
At ngayon ko lang napansin na, walang butas ang suot nitong jacket. Agad akong napaisip kaya tinanong kong muli ang mga mangingisid.
"Kuya, noong nakita niyo po ba ang bangkay nakabukas ang jacket? O nakasara?" Tanong ko ulit kay Kuya na nakakita sa bangkay.
Agad itong napaisip habang kinakamot ang ulo nito.
"Ah! Pasensiya na pero nakasara iyan. Binuksan nalang namin kanina para makita kung may makikita ba kaming pangalan niya." Pagpapaliwanag nito.
"Salamat po." Pagpapasalamat ko at nilapitan ulit iyong lalaking tinawag na Kuya ang biktima. Matangkad ito at nakasimpleng tshirt lamang. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa screen ng kaniyang cellphone.
Agad akong tumikhim at naituon agad nito ang pokus niya sa akin.
"So tell me Mister, what is the name of the victim and his age?" Tanong ko ditto.
Bahagyang nagulat muna ito sa tinanong ko ngunit matapos ng ilang segundo ay kumurap narin ang kaniyang mata at hinarap ako.
"His name is Jonas Amante, 30 years old. And he is my older cousin." Sagot nito. Agad ko namang sinulat iyon sa notes ng cellphone ko at bumaling ulit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mystery Files
Mystery / ThrillerRaven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unraveling all the mysteries in the world including people behind serial killings, that made her do...