File #3
Raven Terry
Simula nang malaman ni Hiro na magkaharap lang ang unit namin ay araw-araw na kaming nagsasabay pumasok ng school. Friday na ngayon at bukas ay wala na akong pasok. Wala naman nang ibang nangyaring kaso dito sa school simula nang mangyari ang murder noong lunes. At nagpapasalamat ako doon dahil walang ibang gumugulo sa isipan ko. Palabas na ako ng pintuan ng unit ko at doon ko nakita si Hiro sa lagi niyang pwesto. Nakasandal ito sa pader habang nakasuot ng earphones. Suot niya parin ang all-white uniform niya at nakasuot ang isang strap ng bag niya sa balikat niya.
Inilock ko na ang pintuan ko at saka hinarap si Hiro. Ngayon ko lang napansin na meron pala itong tinitignan na mga papel habang nakakunot pa ang noo nito. Hindi ko na tinanong pa kung ano iyon dahil kailangan na naming pumasok.
“Hoy. Tara na.” Walang kagana-gana kong yaya sa kaniya. Isinabit ko na rin ang backpack ko sa isang balikat ko, at nagsimula nang maglakad. Nakailang hakbang pa ako bago niya ako sinundan ulit.
“Ray, may tanong ako.” Nag-aalangan niyang tanong.
“What?” Walang gana kong tanong nang hindi siya nililingon.
“Tulog mantika ka ba?” Nahihiyang tanong nito sa akin. Tsk. Weirdo. Bagamat nalilito ako sa tanong niya ay sinagot ko parin.
“Depende.” Ma-effort pero walang gana kong sabi.Patuloy parin kaming naglakad hanggang sa makapunta na kami sa elevator. Tulad ng lagi niyang ginagawa ay siya na ang tagapindot ng mga buttons. At nang bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na kami.
“Pwede bang lakasan mo pakiramdam sa paligid mo?” Mahina pero sapat na para marinig ko. Itinago ko ang pagtataka ko, at tinitigan siya.
“Bakit naman?” Nakataas ang kilay kong tanong.
“I’ll tell you later. But first, pwede ba kitang ihatid sa first sub mo?” Halatang nahihiya ito dahil nakahawak pa ito sa kaniyang batok habang nakaiwas ang tingin sa akin. Dahil wala akong ganang makipagtalo ay bumuntong hininga nalang ako at umiwas rin ng tingin sa kaniya.
“Bahala ka.” Sabi ko at lumabas nang bumukas ang pinto ng elevator.
Tahimik lang kaming naglakad ni Hiro hanggang sa makarating na kami sa building ng classroom ko at sumunod na rin ito.
“Anong gagawin mo dito?” Tanong ko dito nang nasa tapat na kami ng classroom ko.
“Ah, may titignan lang ako.” Palinga-linga nitong sabi.
Nagkibit balikat nalang ako at sinamahan siya sa harapan ng classroom hangga’t hindi pa dumadating ang prof namin.
“Ayaw mo doon sa may tapat? Ang awkward kasi pag dito tayo sa tapat mismo ng pintuan.” Naaasar na sabi ko dito.
“Fine.” Walang labang sabi nito at pumagilid na nga. Sumandal ito sa dingding habang nakaharap parin sa classroom na parang inaaral ang mga tao sa loob nito. Nagkibit balikat nalang ako at inilabas ang notebook ko sa first subject naming si Sir Orosa tuwing Friday. Tuwing Monday kasi ay last subject namin siya at tuwing Friday naman ay first sub ito sa minor class naming Ethics na ikinaeenjoy ko naman. Hinayaan ko nalang si HIro sa ginagawa niya dahil hindi naman ako ang malelate sa klase kung hindi siya.
Nang makita ko sa peripheral vision ko si Sir Orosa ay isinara ko na ang notebook ko at akmang magpapaalam na kay Hiro ngunit nang tignan ko ito ay seryoso na ang mukha nitong nakatingin sa Prof ko. Nang tignan ko rin ang prof ko ay ganun rin ang reaksyon nito. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa at sa di malamang dahilan ay kinilabutan ako nang ngumisi si Sir Orosa kay Hiro.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mystery Files
Mystery / ThrillerRaven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unraveling all the mysteries in the world including people behind serial killings, that made her do...