TRES MARIAS ASWANG
Isinulat ni Alex AscHindi pa rin makatulog si Mary Cris sa labis na takot na gumagapang sa kaniyang dibdib. Lalo't wala si Rhuel at panandaliang may inaasikaso.
Kanina pa nararamdaman ni Mary Cris ang pagaspas nang hindi niya mawaring nilalang na umaali-aligid sa kanilang bahay.
Isinara na niya ang lahat ng bintana ngunit wari'y ayaw siyang tantanan. Sinilip niya ang butas at napaigtad siya agad at bahagyang lumayo roon.
Kitang-kita niya ang mabalasik na anyo ng aswang na babae. Agad siyang tumungo sa silid at nagtalukbong sa kumot. Makalipas ang ilang oras ay tumahimik na ang paligid.
Mula nang ikasal siya kay Rhuel at sumama siya sa bahay ng lalaking ito ay nagsimula na rin ang lagim.
Pilit itinatanggi ni Rhuel na may aswangbaryong ito, ngunit maging si Rhuel ay nagtataka rin kung sino ang sinasabi ni Mary Cris, samantalang hindi naman ito nagpaparamdam sa kaniya.
Ngunit minsan na niyang nakita si Mary Jane.
Naguguluhan siya, kung namalikmata lang ba siya noong isang araw sa bayan nang tumama ang kaniyang mga mata kay Mary Jane.
Siguradong-sigurado siyang patay na ito. Baka nga nagmumulto at muling bumabalik upang maningil sa kanilang mga kasalanan.
"Sino si Mary Jane?" Ito ang minsang itinanong ni Mary Cris sa kabiyak na lalaki, subalit ayaw nitong umamin.
May pinuntahan si Rhuel at 'yon ay ang kaniyang mga kasamahan upang ipaalam ang minsan ay pagpapakita ni Mary Jane sa kaniya.
"Naku, huwag kang maniniwala sa multo, hindi totoo 'yon," anang lalaki.
"Si Mary Jane, na isang aswang? Magmumulto? What the f*ck!" malakas na tinig ng isa pa.
Oo nga naman, paano nga naman magmumulto ang isang aswang?
Kinompronta ni Mary Cris si Rhuel pagdating nito. Siguradong-sigurado na si Mary Cris na ang umaali-aligid sa kaniya kapag mag-isa lamang siya sa bahay ng asawa niya ay si Mary Jane. Ang larawang minsan na niyang nahanap na may nakaukit na pangalan.
Hirap aminin ni Rhuel ang katotohanan, ngunit para sa ikakatahimik ni Mary Cris ay sasabihin na niya.
"Isang magandang binibini na hinahangaan sa aming campus. Umibig din ako sa nakakahumaling niyang ganda, kung kaya't nagpursige akong makamtan ang kaniyang matamis na oo. Niligawan ko siya, at pagkalipas ng ilang buwan ay napa-ibig ko na rin siya. Sa pagnanais na makasama siya ay sumama ako sa kanilang probinsya. Nagimbal ako sa lihim na nalaman nang mga gabing kasama siya," pagkukuwento nito habang taimtim na nakikinig si Mary Cris.
"Nagising ako dis-oras ng hating-gabi, na ang katabi kong babae ay tanging balakang lamang at mga paa ang nakahiga sa may kama. Doon ko nalaman ang nakakagulat na katotohanan sa kaniya. Isa pala siyang aswang. Dumating siya habang naghahanda akong umalis. Gawa ng gulat at takot sa kaniya ay nagawa ko siyang paslangin. Pinatay ko siya..." Tumulo ang luha ni Rhuel sa pagkukuwento.
Kinabahan naman si Mary Cris. Hindi niya lubos akalain na maituturing pa lang kriminal ang kinakasama niyang lalaki.
Lumingon si Rhuel kay Mary Cris at lumapit sa asawa.
"Huwag kang matakot, 'yon ay hindi sinadya. At nararapat lang sa kaniya iyon dahil isa siyang aswang." Niyakap lang din ni Mary Cris ang asawa upang maalo ito mula sa pagluha.
"Ngunit nagmumulto siya? Baka kailangan nating magpakalayo-layo, Rhuel," ani Mary Cris sa asawa. Tumango naman si Rhuel bilang pagsang-ayon.
Pinangakuan niya si Mary Cris na sa makalawa ay magpapakalayo na sila, na hindi na sila masusundan ni Mary Jane at lalo na nang mga kulto.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...