ANAK NG DAGAT
Isinulat ni Alex AscTinatawag na anak ng dagat ang labingdalawang taong gulang na si Ingco. Dahil sa kakaiba nitong tinataglay kapag nasa ilalim ng dagat. Kaya niyang sumisid ng tatlumpong minuto na hindi lumulutang o umaahon at kung paano siya nakakahinga sa ilalim ay 'yon ang labis na nagpapamangha sa ibang nakakakita.
Magaling na rin itong lumangoy at kahit patalunin mo pa sa gitnang dagat ay kayang-kaya niyang manatili ng buong araw sa karagatan.
Subalit ang katangian niyang ito ay kailan lang niya nadiskubre. Dahil ang totoo ay sobra siyang matatakutin sa tubig noong siya ay nasa edad sampu pa lamang.
Iwan at pagsapit ng labingtatlo ay naging ganoon na kabagsik ang kaniyang katangian.
Normal naman siyang bata kung totoosin. Anak ng mag-asawang Mang Efren at Aling Vilma.
Sinasabi ng mga tao na bakit hindi raw isabak si Ingco sa paligsahan para sa paglalangoy. Tiyak makakamit raw niya ang panalo at magiging daan raw si Ingco upang maahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Subalit ang bata ay umaayaw.
Ayaw rin namang pilitin ni Efren ang sariling anak sa mga bagay na hindi nito gusto. Katunayan, todo suporta si Efren sa mga gusto nito, tulad na lamang ng hindi pagkain ng isda. Sinasabi ni Ingco na mga kaibigan raw niya ang mga isda kaya't ayaw niya silang kainin. Kaya't tanging gulay lang ang inuulam ni Ingco. Hinahayaan naman niya ang ama na mangisda dahil 'yon ang kabuhayan nila dito sa tabing dagat. Hinahayaan niya sa mga nahuhuli pero 'yon nga lang, hindi siya tumitikim.
Maaari rin daw siyang makatulong sa ama sa pamamagitan ng pagsisid sa karagatan at panghuhuli ng isda pero laging tumatanggi at hindi nakikinig sa sabi-sabi ng mga kapitbahay si Ingco.
Sinubukan ring pakiusapan ng mga mangingisda na tulungan sila ni Ingco pero ganoon pa din, hindi pa rin nila mapapayag si Ingco. Basta para kay Ingco, mangisda sila sa abot ng naisin nila, hindi siya magiging sagabal pero hindi siya magiging daan para sa kanila.
Hindi malaman ng mag-asawa kung saan natamo ni Ingco ang pagiging ganoon. Totoo naman nilang anak ito. Baka nga minsan may mga taong may kakaibang kakayahan.
Nakaugalian ni Ingco na linisin ang karagatan. Lagi siyang nakatambay sa dagat at sinusuyod sa abot ng kaniyang makakaya. Pag-ahon sa pangpang ay may bitbit na itong iba't ibang basura na itinapon sa dagat.
Minsan magugulat na lang ang kaniyang ama at ina dahil oras ng hating gabi ay wala si Ingco sa sariling silid kundi nasa karagatan na naman. Nag-aalala man sila ay napapanatag rin sila dahil bated nilang ligtas ito sa dagat kasama ng kaniyang mga kaibigan daw kuno.
Sinubukan na rin nila itong ipasuri sa albularyo pero wala raw nakikita ang albularyo na kakaiba kay Ingco. Sadyang taglay lang daw talaga niya iyon.
Nagiging madalas ang pag-ulan at hindi magandang panahon. Marami ang mangingisdang bihira na lamang kung makapunta sa laot. Dahil sa pagsusungit ng panahon ay nagkakaubusan na ang magkakapitbahay ng gastusin.
Marami ang lumapit kay Ingco na sa huling pagkakataon ay pagbigyan raw sila kahit minsan. Total kapwa naman sila mga tao at magugutom ang kanilang mga anak kapag hindi sila nakapaghanap-buhay. Hindi pa rin nila napasagot si Ingco kayat ang iba ay nagtanim na ng sama ng loob sa pamilya ni Efren.
Mas mahalaga pa raw sa kanilang anak ang buhay ng mga isda kumpara sa buhay nilang mga tao.
Minsan sinasabi nilang baka naman nanghuhuli si Ingco pero para sa kanila lang. Kung ano-anong negatibo na ang pinagsasabi ng mga kapitbahay sa kanila. Kaya't 'di kalaonan ay nagtanim na ang mga kapitbahay ng galit sa mga ito. Hindi na nila pinapansin ang pamilya ni Ingco. Pinagbawalan rin nila ang mga anak na makipaglaro kay Ingco. Binansagan rin nila si Ingco bilang maligno ng dagat.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorreurMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...