BIHAG NG KAPRE
Isinulat ni Alex AscIsinama ni Andrei sa probinsya ang kasintahang si Regine.
Pinilit kasi ni Regine si Andrei na isama siya nito. Ang dahilan kuno ng dalaga ay upang matutunan ang pagluluto ng ina ni Andrei dahil laging binabanggit ni Andrei ang mga luto ng kaniyang ina.
Subalit ang pinakadahilan ni Regine ay upang maalok siya nito agad ng kasal. Kailan lang kasi ay nabasa ni Regine sa account ng nobyo na nagbabalak itong alukin siya ng kasal pero nagdadalawang isip raw dahil baka raw hindi pa handa si Regine.
Isa na rin sa pagsama ni Regine sa nobyo sa probinsya ang dahilan upang iparamdam na handa na niyang makasama ito, upang makapagtapat na rin ng plano ang lalaki. Pareho naman silang nasa tamang edad at parehong may trabaho sa Maynila.
Unang pagkakataon na makikilala ni Regine ang magiging beyinan niyang babae na si Aling Hilda. Ang tatay naman ni Andrei ay matagal ng patay.
"Iha, pasensya ka na sa bahay namin, maliit lang pero sana maging masaya ka sa pananatili mo rito," wika ni Aling Hilda. Medyo may kaya sa buhay si Regine kaya't ang mabait na Nanay ni Andrei ay medyo nahihiya sa nobya ng anak.
"Salamat po, ang bait-bait niyo pala, 'nay," banggit ni Regine. Napangiti na laman ang ale at ganoon din siya.
Up and down na gawa sa puro tabla ang bahay. Mag-isa lamang sa bahay na ito si Aling Hilda dahil ang kailan lang na kasama niya rito na pinsan ay lumipat sa bayan.
Nasa taas ang tatlong silid, nasa baba naman ang kusina at palikuran. May mga pinatulis na kawayan ang nagsisilbing bakod ng bahay sa paligid at may maraming puno sa likuran.
Masarap ang simoy ng hangin, habang nakatambay sa balkonahe si Regine. Ninanamnam niya ang mga sandaling kasama si Andrei at ang ina nito.
Nagpaalam si Andrei ng hapon na ito. Hindi raw niya maisasama si Regine sa pagbisita sa mga tropa niya sa lugar na ito. Puro raw kasi mga loko-loko at baka pa biruin si Regine. Seloso ba naman si Andrei.
Naintindihan naman ni Regine iyon at isa pa, gusto rin ni Regine na malaanan ng mahabang oras si Aling Hilda upang maituro sa kaniya ang secret ingridient nito.
Sumapit na ang gabi pero hindi pa rin dumarating si Andrei. Nakapatay rin ang cellphone nito.
"'Nay, hindi pa dumarating si Andrei? Baka po napaano na siya," nag-aalala niyang wika sa ina ng nobyo.
"Huwag kang mag-alala, iha. Darating iyon, malamang napasarap na naman sila ng kwentuhan ng mga kaibigan niya. Alam mo naman, ilang buwan din bago siya nakapagbakasyon," sagot ng Ale.
Tumungo si Regine sa balcony at umupo roon. Dahil nasa gilid ng bahay ang balkonahe sa taas ay hindi niya naiwasang mapalingon sa may dakong likuran ng bahay. Nakaramdam siya ng takot sa anyo ng madilim na mga punong iyon.
Ibinaling niya ang tingin sa may kalsada. Umaasam siyang matatanaw nito si Andrei na paparating.
Nasa ganoon siyang lagay, nang makarinig ng sumisitsit sa kaniya. Nagtaka siya at lumingon sa dako ng kakahuyan.
Gumapang ang kilabot sa buo niyang sistema ng may makita siyang maitim at malaking nilalang na nakasandal sa may puno. Dahil sa kaniyang takot ay napatakbo siya sa loob ng silid. Humiga at nagtalukbong.
Kumakabog na ang dibdib niya at pilit iniisip kung anong klasing nilalang iyon.
"Kapre, oo kapre iyon," anang isipan niya.
Kinabukasan, nagising siyang katabi nito ang nobyo pero ganoon na lamang ang lungkot niya ng may makitang marka ng lipstick sa ilang bahagi ng mukha nito. Hindi niya lubos maisip na makikita niya sa nobyo niya iyon. Ang pagkakaalam niya ay okay naman silang dalawa at hindi siya nito kayang lokohin.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...