SAMANTHA
Isinulat ni Alex AscSi Samantha na yata ang pinakamaganda at sikat na actress ng kaniyang henerasyon. Talaga namang namamayagpag ang kaniyang pangalan bilang pinakamagandang actress. Nagtamo na siya ng iba't ibang award at trophy sa iba't ibang larangan ng pag-arte. Dahil sa mala-Marian Rivera nitong ganda at galing ay hinakot na niya lahat ng tagumpay.
Kinababaliwan raw siya ng mga kalalakihan at kinaiinggitan raw ng mga kababaihan. Noong nagtapon daw ng kagandahan ang langit ay sinalo na raw niya lahat.
Sinasabi ng ibang naiiinggit na 'perfect beauty' lang ang nagdadala ng kaniyang panalo, na hindi naman bigating actress sa pag-arte
Pero wala na siyang pakialam roon. Alam naman niyang ganoon ang buhay sa showbiz.Sa kabila ng tagumpay niyang tinatamasa at kagandahan niyang tinataglay ay sinong magsasabing mayroong kakaiba sa kaniya.
Hindi niya alam kung kailan at paano niya nakamtan ito.
Ngunit isang gabi habang nasa loob ng kaniyang silid ay hindi siya pinatahimik ng kakakibang nararamdaman sa sarili.
Nangangatal siya at mataas ang temperatura ng kaniyang katawan. Hindi niya maipaliwanag ngunit parang uhaw na uhaw siya. Mainit na mainit at halos lunurin na niya ang sarili sa kanyang bathtub at shower upang mawala lamang ang nadarama, ngunit hindi pa rin naglalaho.
Napagdesisyonan niyang tumawag ng tulong. Patungo sa kaniyang kwarto ang kaniyang katulong, nang bigla na lamang nagbago ang kanyang anyo. Dahil nakaharap sa kaniyang salamin ay napasigaw pa siya.
Pagkagising niya ay nasa hospetal na siya.
"Anong nangyari sa akin?" tanong niya sa boyfriend na si Renzo.
"Natagpuan ka ng maid mo na nakahandusay sa sahig. Wala namang finding sa 'yo ang doctor. Baka dala lang ng stress dahil sa pagiging busy mo sa shooting nitong nakaraan," sagot ni Renzo.
Kakarating lang din ng kaibigan ni Samantha na si Linda. Isa ring sikat na actress na kasama sa ginagawa nilang pelikula.
"Best, anong nangyayari sa iyo?" mangiyak-ngiyak nitong wika.
"Ipinapayo ko naman sa iyo na doon ka na lang din tumuloy sa appartment ni Samantha, total pareho naman kayong mag-isa sa pakikipagsapalaran rito sa manila," mungkahi ng nag-aalala pa ring si Renzo sa kaibigan ng girlfriend.
Sasagot pa sana si Linda ng kusang magsalita si Samantha.
"Hu-wag! Ang ibig kong sabihin ay kaya ko namang mag-isa sa appartment," sagot ni Samantha.
Nang makauwi ay napagdesisyonan ni Samantha na paalisin mo na ang kaniyang katulong dahil idinadahilan niyang kaya naman niya mag-isa ang sarili. Ang katotohanan, pilit niyang inililihim ang natuklasan sa sarili.
Very supportive sa kaniya ang boyfriend na si Renzo. Matagal na sila nitong magkasintahan. Tama lamang ang estado ng buhay ni Renzo pero mas pinili siya ni Samantha kumpara sa ibang mas mayayaman.
Kahit nais malaman ni Samantha ang nangyayari sa kaniya ay hindi niya magawang tanungin ang mga magulang. Ayaw niyang sabihin nilang likas na siyang halimaw mula pa noong isilang, ngunit bakit kailan lang niya naramdaman ito?
Hindi na naman siya pinapatahimik ng masamang pakiramdam ng gabing ito. Muli na naman siyang magbabalat-kayo. Humaba ang kaniyang nguso, nagkabalahibo ang ilang bahagi ng mukha, umusli at tumalas ang mga pangil at bahagyang lumaki ang katawan, naging mabalahibo, umitim at tumigas ang mga laman. Mailalarawan siyang kawangis ng isang taong-lobo, ngunit kung titingnan ng malapitan ay masasabing hindi, kundi, halimaw talaga.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
TerrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...