ALAGANG KUNEHO

549 21 0
                                    

ALAGANG KUNEHO
Isinulat ni Alex Asc

Madaling araw pa lamang ng mga sandaling ito, habang naghahanda na si Arturo upang mag-araro sa bukid. Paglabas pa lamang niya ng bahay ay sumalubong sa kaniya ang puting kuneho na wari ginaginaw. Sumiksik sa tabi ng bakod ang kuneho.

Nilapitan ni Arturo ito at hindi naman natakot ang kuneho. Hinawakan at hinipo-hipo, matapos ay binuhat na niya sa bahay niya at inilagay sa lamesa. Kumuha ng mga lumang damit at isinukob sa kuneho, upang hindi ito lamigin.

Ipinagpapalagay niyang galing sa malawak na kakahuyan ang kuneho. May malawak kasing kakahuyan sa likuran ng kaniyang bahay.

Nagising naman ang kaniyang asawa na si Hermin.

"Kawawa naman, mukang may sakit," wika ni Arturo sa asawa. Naghanda si Hermin ng maaaring ipakain sa kuneho. Nilapagan niya ito ng tinapay at kinain naman ng kuneho.

Namaalam na rin si Arturo upang mag-araro sa bukid. Samantalang nagising si Geo at tinawag ang ina. Sinasabi niyang may naririnig daw siyang huni ng kuneho kaya't binuhat ni Hermin at dinala sa anak ang kuneho.

Tuwang-tuwa naman si Geo habang hinihimas-himas ang panibagong alaga.

Nagkaroon ng malalang karamdaman si Geo. May sakit itong leukemia. Sa edad na pitong taong gulang ay sadyang nakakalungkot ng magkaroon ng malalang karamdaman ang batang dapat sana ay naglalaro at nagsasaya para sa kaniyang kabataan.

Malungkot ang mag-asawang Arturo at Hermin sa sinapit ng kanilang anak. Naubos na nilang ebenta ang sariling lupa dahil sa pagpapagamot sa anak, kaya't labis tuloy silang naghihirap ngayon. Samahan pa ng pagkakabaon sa utang para lamang sa pagpapagamot ng anak pero hindi pa rin ito gumaling, kahit sumailalim na ito sa iba't ibang uri ng gamutan.

Mabuting tao ang mag-asawa at lahat ng nangangailangan na pumupunta sa kanila noon ay binibigyan nila sa abot ng makakaya nila.

Habang nilalaro-laro ni Geo ang kuneho sa kaniyang higaan ay napatawag ito sa ina't ama na sa sandaling iyon ay magkasamang naroroon sa kusina.

Akala nila'y kung ano na ang nangyari dahil sa malakas na tinig ng anak. Pagdating roon ay nagulat pa ang dalawa sa nadatnan.

Dumudumi ang kuneho ng maliliit na ginto, wari nangingitlog ito sa dami ng inilabas niyang bilog na ginto. Nagkatinginan ang mag-asawang labis na nagtataka.

"Paan-" Hindi na naituloy ni Arturo ang nais banggitin dahil sa pagtataka. Nilapitan nila iyon at sinuri. Matitigas na ang mga iyon at walang mabahong amoy.

"Arturo, hulog ng diyos sa atin ang kuneho na iyan, maaari na nating ituloy ang pagpapagamot kay Geo," sambit ng natutuwang si Hermin.

Hinandaan nila ng tinapay ulit ang kuneho upang makasiguro kung maglalabas ba ito ng ginto ulit sa kaniyang puwerta. Makalipas nga ang ilang oras ay nagdumi iyon ng mga ginto ulit. Labis-labis ang tuwa ng mag-asawa. Inipon nila ang ginto at dinala ni Arturo sa bayan, upang alamin kung maipapagbili ba nila iyon.

"Totoong ginto nga ito, saan mo ito nakuha?" tanong ng empleyado ng pawnshop.

"A-e, mula sa kaninununuan ko pa," pagdadahilan niya. Dumating ang may ari ng pawnshop at binili ang mga ginto na iyon. Masayang umuwi si Arturo na may dala-dala ng 'di baba sa dalawampung libo.

Pero sinalubong siya ng asawang umiiyak dahil sa nangyayari sa kanilang anak. Hindi makahinga ng maayos ang bata kaya isinugod nila sa hospetal. Malala na raw ang karamdaman ng bata. Pero may goodnews para sa kanila. Maaari raw itong magamot mula sa isang scientest doctor na may kakayahan daw manggamot mula sa makabago niyang teknolohiya. Malaking halaga nga lang daw ang kakailanganin pambayad sa doctor. At dahil sa amerika iyon naroroon ay kailangan pa nilang magbiyahe patungo roon.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon