MONKEY ISLAND
Isinulat ni Alex AscPapunta na sana kami ng Cebu city kasama ng matatalik kong kaibigan at ang boyfriend kong si Mike.
Ako, si Miggy, si Jon, si Elaisah, Lanie, at ang mahal kong si Mike.
Mula puerto Princessa city ay bibiyahe kaming Cebu para mag-unwind sakay ng magarang helicopter na pag-aari ng papa ni Mike.
Mayaman ang angkan ng Boyfriend ko at ang ilan naman sa amin ay hindi katulad ng estado ng pamumuhay nila. Likas lang kasi na mabait ang boyfriend ko at lagi siyang taya upang ipasyal kami sa kahit saan namin maibigan tuwing weekend o holidays ng school.
Nagtuturingan kaming tapat na magkakaibigan, walang samaan ng loob. Minsan, may nabubuong hindi pagkakaunawahan ngunit nalulutas naman namin agad.
May bahay bakasyonan raw roon sila Mike kaya't doon niya kami nais ipasyal. Kami naman, masayang-masaya, lalo na ang mga kasama ko. Magkaroon ka ba naman ng kaibigang sobrang yaman at sagot ang bawat labas niyo ay hindi ka pa ba magiging masaya.
"Basta, nais ko lamang pasayahin ka lagi, Alyanah." Kinikilig ako sa bawat matatamis na salita ng nobyo ko.
Kasalukuyan kaming sakay ng helicopter, nasa himpapawid kami at masayang-masayang nakatanaw sa kapaligiran. Malawak na karagatan, mga masukal na kakahuyan at ilang mga isla ang nadadaanan namin. Nabusog ang mga mata namin sa kakamasid sa paligid.
Nang bigla na lamang sumungit ang panahon, umihip ng malakas ang hangin, at nagbabadya ang malakas na ulan mula sa kalangitan. Napuno na rin ng hamog ang dinaraanan namin kung kaya't nawala kami sa tamang daan at ang sumunod ay labis na nakakagulat. Bumulusok ang helicopter pababa sa karagatan habang nagsisigawan kami sa labis na katakutan.
Narinig ko na lamang ang malakas na bugso ng helicopter sa dagat at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Iginalaw ko ang hintuturo ko, iminulat ang mga mata. Nakahiga ako sa buhangin, sa dalampasigan. Tumayo ako at nakakalat naman roon ang mga kasama ko. Isa-isa ko silang ginising.
"Nasaan tayo?" ani Lanie. Nagsitayuan sila at natakot ako dahil wala si Mike, ngunit natanaw ko ang helicopter medyo may kalayuan sa amin. Sa may dagat. Mabilis akong tumungo roon, mababaw naman ang dagat.
Naabutan ko roon ang wala pa ring malay na si Mike kasama ng piloto. Ginising ko sila.
"Babe, anong nangyari?" tanong ni Mike ng magmulat ng mata.
Tinulungan niya na rin akong gisingin si Kuya Piloto pero hindi na nagising, dahil tuluyan ng nawalan ng hininga. Pinagtulung-tulungan namin iahon at dalhin sa pampang ang piloto.
"Wala pa ring signal!" bulalas ng naiinis na si Jon.
Habang inaasikaso namin si Kuya. Ang ilan sa amin ay ginagapangan na ng kilabot.
"Nandito tayo sa Isla," sambit ng palingon-lingon sa paligid na si Miggy.
"Natatakot ako, baka mamaya, mga taong kanibal ang mga naninirahan dito," mangiyak-ngiyak na sabi ni Elaisah.
Iniwan naming natatakpan ng isang shower towel si Kuya at bahagya naming pinasok ang kakahuyan. Magbabakasakali kaming baka makahanap ng tulong.
May naririnig kaming kakaibang ingay ng isang kakaibang grupo na nagmumula sa may bandang dalampasigan.
Napatago kami agad dahil sa sindak mula sa mga nilalang na nanggaling sa kung saan.
Mga unggoy, ngunit kakaiba ang anyo. Mga taong-unggoy siguro. Kasi mukha silang tao na mukha ring unggoy. Sa madaling salita, mga kalahating tao at unggoy. Pero maliliit, mukang mga batang unggoy.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...