THE BOYBAND
Isinulat ni Alex Asc
Genre: HorrorIsa si Emer sa libo-libong kabataan na nakipila sa search for the next boyband supertar ng MEGA TV Network. Isa siya sa mga nangangarap na palarin at maabot ang matamis niyang minimithi. Ang maging membro ng next hottest boyband ng bansa.
Nag-aangkin siya ng napakagandang tinig, at mataas na boses. Naging idolo nga siya sa kanilang barangay at ilang kalapit na lugar dahil sa taglay nitong galing sa pagkanta. Kahit sa mga videoke-han ay lagi siyang napapalpakan.
Bagay na bagay daw ang kaniyang boses na maging lead vocalist ng isang boyband at sisiw lang sa kaniya ang mga high notes. Pang Lee Ryan daw ng BLUE band ang taas ng kaniyang tinig. Dahil wala na raw mas hihigit pa sa taas ng boses ni Lee Ryan sa lahat ng western boyband.
Kung papalarin, magsisilbi raw siyang Zayn Malik ng grupo, kung saan isa sa kaniyang iniidolo mula sa One direction group.
Matagal na siyang fan at adik sa pangongolekta ng mga boyband songs. Ang pinakapaborito niyang grupo ay ang Backstreet boys dahil sa blending ng voice nila. Dahil sa kaniyang hilig ay hindi niya akalain na makakapagsulat rin siya ng mga kanta.
Tuwing kinakanta niya ang This i promise you by Nsync ay kuhang-kuha niya ang tinig ni Justin Timberlake at Jc Chasez. Kaya't pang-boyband daw talaga ang boses niya dahil kaya niya silang gayahin, masarap sa taenga at napapahanga ang mga nakikinig.
Habang nag-aaral ay suma-side-line sa mga bar si Emer kasama ng kaniyang ka-banda. Kinakanta nila roon ang mga sikat na RNB songs. 'Yon kasi ang pumapatok sa kanilang mga suki. Pero mas nais niya ang mga boyband songs.
Muntik na sana siyang mag-audition sa unang search for Boyband Supertar ngunit dahil iniisip niya lagi na hindi para sa kaniya ay umurong siya. Pero gan'onpaman, ay napaabang rin siya sa naturang show, kung saan labis niyang sinuportahan ang RussNiel team.
Ayaw sana niyang mag-audition dahil sa kahinaan ng loob ngunit napilit naman siya ng mga kaibigan.
Isa lang naman ang humahadlang kung bakit hindi magawang sumali ni Emer. Ang personal na appearance. Hindi kasi siya kagandahang lalaki at mababa pa ito sa height na 5'2 lamang. Sabi nga ng kabanda niya, kayang baguhin ang kaniyang mukha. Eretoke tulad ng ginawa kay Xander Ford ngunit sa height naman siya nababahala dahil wala raw solusyon iyon.
Gayunpaman, ay pinilit niya ang sarili upang magkaroon ng katuparan ang kaniyang pangarap. Hindi siya makapaniwalang isa siya sa mga napiling kakanta sa harap ng mga hurado, kamera at madlang manonood sa darating na mga araw.
Masayang-masaya siya ng iparating sa kanilang baryo ang balita. Nagsaya ang karamihan sa mga kapitbahay niya, dahil ang tagumpay ni Emer ay tagumpay nilang lahat.
"Ako nga pala si Emeraldo Gonzales, taga General Trias Cavite at nais kong ipadinig sa inyo ang Zayn Malik version ng Pilipinas...
Only half a blue sky
Kinda there but not quite
I'm walking around with just one shoe
I'm half a heart without you
I'm half a man at best
With half an arrow in my chest
I miss everything we do
I'm half a heart without you...Hinusgahan man siya sa unang tindig sa stage ngunit napakilig naman niya ang mga kababaihan sa kaniyang pagbirit. 50% percent na boto sa audience at 50% naman sa mga judges. Pasok agad siya sa first elimanation round.
Nagsunod-sunod ang matinding laban ng mga kabataan para sa kani-kanilang pangarap. Maraming pinagdaanan ang bawat isa.
Mula sa mahigit isang daan sa Middle show ay bumaba hanggang limampu at 25 naman sa Battle round hanggang sa umabot ng anim na lamang ang natitira at pagpipilihan para sa grand final.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...