BABY SITTER
Isinulat ni Alex Asc.Tumigil ako sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Imbes na kolehiyo na sana ako nitong taon ay minabuti kong mamasukan bilang katulong para masuportahan ang aking mga kapated sa pag-aaral.
Nakaka-isang buwan pa lang ako sa pinapasukang mansion ng mga Montes. Maayos naman ang aking paninilbihan at mabait naman ang mga amo ko. Ngunit nagdesisyon silang ilipat ako ng pansamantala sa bahay ng kanilang anak na lalake.
Tatanggi sana ako ngunit may karapatan pa ba akong tumanggi? Lalo pa ng madinig ko na ang lalaking pagsisilbihan ko ay ubod ng sungit raw.
Si Sir Darwin Ricks Montes Cabaña. Minsan ko ng nakita ang mga larawan niya ng ipalinis sa akin nila Madam ang kaniyang silid. Guwapo naman siya, 'yung tipong artistahin.
"Almirah, mag-iingat ka doon. Si Sir Darwin 'yon, malakas makatukso 'yon," humagikhik na bulong sa akin ni Sheree. Ang kasama kong katulong sa mansion na matagal na ring naninilbihan sa pamilya Montes. Siniko ko lamang siya upang matigil. Nakakahiya, baka marinig pa ni Madam.
Dumating kami at pinatuloy naman kami ni Sir Darwin.
"Iha, sa ngayon... ang pinakatungkulin mo muna rito ay ang alagaan ang apo ko," sambit ng madam.
"Opo, ma'am. Makakaasa po kayo." Nagpaalam na sila at umalis. Nakaupo pa lang din ako sa may sofa dahil medyo naiilang ako kay Sir na kasalukuyang nakasandal sa pintuan at parang pinagmamasdan ako.
Hinihintay ko kung magsasalita siya pero humakbang siya at pumasok sa kwarto kung saan naroroon ang sanggol at isinara ang pintuan.
Tinungo ko na ang magiging silid ko na itinuro sa akin ni Madam kanina.
Matapos kong mailagay ang mga gamit ay lumabas ako ng gabing ito sa may sala, naglalakad-lakad sa buong paligid.
"Malinis naman ang kapaligiran, bakit pa nila ako inilipat rito?" aniya ko sa sarili. Naaalala kong may sanggol pala akong aalagaan, pero kanina pa ako sa bahay at hindi naman umiiyak ang sanggol. Ibig sabihin, hindi lang iyakin. Mapapadali ang trabaho ko kapag ganoon. Ngunit hindi man lang nila ipinasilip sa akin.
Bumalik ako sa kwarto at nakatulog ng mahimbing. Kinabukasan ay napabalikwas ako.
Alas nuebe-medya na.
"Naku! tinanghali ako ng gising." Dali-dali akong nag-ayos at lumabas ng kwarto.
Nasanay kasi akong ginigising lagi ni Sheree ng maaga. Hindi pa rin naman kasi ako sanay dahil nga nakaka-isang buwan pa lang akong namamasukan.
Pagtungo ko sa Dining room ay nadatnan kong nakalapag sa lamesa ang iba't ibang masasarap na pagkain. Habang si Sir Darwin at ang kaniyang baby ay naroroon na rin.
"Good morning," bati sa akin ni Sir Darwin habang nakangiti ito. Nakaramdam ako ng kahihiyan, dahil imbes na ako ang dapat nagluto at naghanda para sa kanila.
"Sorry po, sir... hindi ko po sinasadyang tanghaliin ng gising." Marahan lang na tumawa si Sir.
"Okay lang iyon. Halika dito, saluhan mo kami." Tumayo pa siya at inihanda ang upuan para sa akin.
"Ay... 'wag na po sir, nakakahiya naman sa inyo. Pagsisilbihan ko na lang po kayo." Lumapit din ako habang 'di makatingin ng diritso sa kaniya.
Naghahanap ako ng maaaring gawin upang makaiwas sa labis na pagkakahiya..
"Ano pong mga kailangan niyo? Sir. Sabihin niyo lang po," pagdadaldal ko sa kaniya pero tahimik lang siyang sinusundan ako ng tingin.
Hinawakan niya ako sa balikat dahilan upang matigil ako sa kakagalaw.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...