DEPRESSION
Isinulat ni Alex AscMadaming araw ang dumaan sa pag-iipon ni Jojo para kumita at maalayan niya ng magarbong kasal at mamahaling singsing ang sinisinta na si Richell.
Ilang buwan na silang magkasintahan at labis-labis ang pagmamahal ni Jojo sa katipan.
Nais niyang mag-propose ng kasal sa nobya at nais niyang sopresahin sa romantic na pamamaraan, tulad ng kadalasang nagba-viral sa mga wedding proposal sa social media.
Gusto niyang alayan ng magandang memorable na 'di malilimutang moment si Richell, kaya't kumayod siya ng todo at pinag-iponan. Sala sa lamig nga at sala sa init. Ganoon siya kung ilarawan dahil sa pagpupursige.
Tiwala siyang makakamit nito ang big yes sa minamahal.
Bukod sa busy sa trabaho ay todo side-line din siya upang maipon ang pinakakuta nito.
Kaya't hindi niya namamalayan ay nawawalaan na siya ng oras kay Richell.
Hindi naman niya sinabi ang balak kaya't akala tuloy ng babae ay nagsawa na si Jojo kay Richell.
Umabot sa araw na pinakahihintay niya. Lights onn camera pa habang pinagsasayaw pa ang mga kakuntsaba sa palibot ni Richell. Nakaparada rin ang isang banda na umaawit ng romantic lovesong at nagsidatingan ang maraming kabataan na may hawak na mga rosas na inaabot kay Richell.
Lumabas sa pinagtataguan si Jojo at lumuhod sa harapan ni Richell.
"Babe, will you mary me?" Nakabuklat at nakaabot ang wedding ring sa katipan. Bahagyang natahimik ang babae at hindi nito magawang sumagot.
Nagsimula ng kabahan si Jojo habang nagkakalingonan na ang mga taong nanonood. Umiling-iling si Richell at tumalikod at iniwan ang mangiyak-ngiyak na si Jojo.
Napahiya siya sa mga tao, ngunit hindi na mahalaga sa kaniya iyon. Ang kinakabahala niya ay bakit siya tinanggihan ng bababaeng iniibig niya.
Okay naman sila. Nasa tamang edad na pareho at ramdam niyang nais na ring mag-settle down ni Richell.
Sinundan ni Jojo ang nobya at pilit pinapatigil.
Humarap sa kaniya ang umiiyak na si Richell.
"Bakit kasi binaliwala mo ako?" Nagtaka naman si Jojo sa sinabi nito.
"Sorry, pero marahil hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko. Kalimutan mo na ako, dahil may nakagalaw na sa akin..." Sa katagang iyon ng babae ay parang pinagsakluban ng langit at lupa si Jojo.
Hindi niya malaman kung saan siya nagkulang at nagawa siyang pagtaksilan ng babaeng minahal niya.
Iniwan na siya ng nobya habang luhaan.
Kinagabihan ay pinuntahan niya si Richell sa kanilang bahay. Aalayan niya ito ng harana, dahil nais niyang maging maayos sila. Kahit anupaman ang nangyari ay tatanggapin niya. Huwag lang mawala sa piling niya si Richell. Hindi niya kakayanin. Ikamamatay niya. Pero natanaw niya roon ang babae sa balkonahe na may kausap na lalake. Napakalambing pa nilang dalawa. Nanikip ang dibdib ni Jojo at naglandas ang luha mula sa kanyang mga mata. Nagkuyom na ang mga kamao sa labis na galit. Umuwi siya sa kaniyang bahay at naglasing siya ng naglasing.
Masamang-masama ang kaniyang loob, walang paglagyan ang tinde na galit na nadarama sa dalawa. Nakakaraming bote na siya at pagkalipas ay napatingala na lamang siya sa kisame. May naiisip siyang karumal-dumal para sa kaniyang sarili. Gusto na niyang wakasan ito dahil wala na siyang ganang mamuhay pa sa mundo.
Kumuha siya ng lubid at inakyat ang kisame. Ikinabit roon patungo sa baba. Umapak siya ng silya at ipinulopot sa leeg ang lubid.
Umiiyak siyang inaalala ang bawat sandali nila ni Richell, pati mukha ng bawat pamilya niya ay sumagi na sa kaniyang isipan dahil sa pamamaalam na ito.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
TerrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...