KARENDERIA

713 22 0
                                    

KARENDERIA
Isinulat ni Alex Asc

Hinahatak ng isang lalake ang kaniyang may bahay patungo kung saan. Pilit kumakawala ang babae ngunit hindi magawang labanan ng babae ang asawa. Kakaiba kasi ang tinataglay nitong lakas sa mga sandaling ito.

Wala na rin yata itong makilala at nanlilisik na animoy sinapian ng demonyo.

"Maawa ka sa akin..." ito ang paulit-ulit na wika ng babae sa kaniyang asawa.

Sinakal siya nito sa leeg at iniaangat sa ere upang tuluyan na itong makapanahimik. Dumating naman ang mga pulis na nagroronda.

"Itigil mo 'yan!" babalang sigaw ng pulis. Ibinaba ng lalake ang kaniyang asawa at pumulot ng malaking bato.

Akma na niyang ibabato sa kaniyang asawa ng umalingawngaw ang malakas na putok na siyang nagpaigtad sa lalaki. Patay agad ito.

Isang pulis PO2 si Crislan Diwayan Andrade na mas kilala sa palayaw na Lans. Nakadestino siya sa Maynila ngunit dahil sa sunod-sunod na balitang nagaganap na patayan sa bayan ng Sedero ay nailipat siya roon para mahawakan ang kaso at malaman kung bakit hindi maresolba ng mga pulis roon.

Hindi na rin siya tumanggi, sa halip, mas nagustuhan pa niya dahil naroroon ang kaniyang kapated. Doon na rin iyon naninirahan dahil nakapag-asawa ng taga roon.

"Kuya..." payakap si Crisostomo sa kaniyang kuya ng dumating ito. Mas matanda siya ng limang taon pero mas nauna mag-asawa ang kapated niya, habang siya ay binata pa. Isinama siya ni Cris sa mercado upang ipakita ang puwesto.

"Alam mo kuya, maganda mamuhay rito sa probinsya, at kumikita naman ang paninda, katulad nitong glassware ko," masaya niyang imporma. Napangiti naman si Lans. Okay na kasi ito at naging matino na rin. Minsan na kasi itong napariwara sa buhay, at naging adik. Madaming sakit sa ulo na rin ang idinuot  nito sa kaniya. Mabuti na lamang, tumino mula ng makapag-asawa.

"Masaya ako, dahil nagbago na ang kolokoy kong kapated." Ginulo pa ni Lans ang buhok ni Cris.

"Ano ka ba naman, kuya, hindi na ako bata," tumatawa nitong wika. Samantalang naroroon din ang asawa ni Cris na si Johana at ang anak na sanggol.

"Kuya, baka nagugutom ka na. Tara kain tayo doon, sa karenderia ni Manang Memang." 'Yon din ang pangalan ng karenderia.

"Magandang araw..." bati ng matandang babae na nakatayo sa pintuan.

"Magandang araw rin po, Manang Memang," sagot ni Cris sa matanda. Nakatitig naman ang matanda kay Lans. Kahit  nakaupo ay nakatanaw pa rin ang matanda kay Lans. Nawewerduhan tuloy si Lans.

Nailapag na ang adobo at kalderetang in-order ng kapated. Napansin ni Lans na kakaiba ang karne. Sinundot-sundot pa niya ito gamet ang kutsara, pati sa sabaw ay naiibahan rin siya sa kulay. Hindi tuloy niya magawang kumain. Parang hindi niya tipo.

"Anong karne ba ito?" tanong ni Lans.

"Karne ng usa, kuya. 'Yan ang patok rito kuya, tikman mo, masarap iyan." Habang kinakagat na ni Cris ang kaperasong karne.

"Kuya, itong karenderia na ito, sobrang patok sa taong-bayan, tingnan mo, o. Hindi magkandaugaga ang mga costumer." Inilibot naman ni Lans ang paningin sa paligid. Mahaba nga ang pila sa counter at patuloy na nagsisidatingan ang mga tao.

May tumawag kay Lans. 'Yung bagong partner niyang si PO1 Javier Magdasal. Tumayo agad si Lans at sinagot ang tawag.

"Pare, may nagaganap na namang pag-aamok dito sa Baryo Lousita. Bilisan mo." Nagpaalam si Lans sa kapated pero inalok muna siya nito na tumikim man lang subalit hindi na nagawa ni Lans. Sumugod na si Lans sa naturang lugar.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon