Chapter 115

200 8 0
                                    

Tan's POV

Buti nalang after namin nag usap ng asawa ko kaninang madaling araw nakatulog na siya ng mahimbing, stress na stress ang asawa ko dahil sa mga nangyayari, I know nahihirapan siya pero di niya lang sinasabi sa akin... I understand that pero di ko na kayang magtiis na nakikitang nahihirapan siya ng dahil sa panggugulo ni Lance at Marga sa buhay namin...

It's already 2 pm and tulog parin ang asawa ko, di ko muna siya ginising kasi ilang araw ding di nakatulog ang asawa ko eh, di ko muna pinapasok ang mga bata sa kwarto kasi baka mamaya gisingin nila ang Mommy nila...

"Dada.... dada..."napangiti naman ako ng banggitin ni Max yung Dada, She really look like me pero yung ilong niya sa Mommy niya na mana

"Yes my princess?"tanong ko, malapit na siyang mag one ilang araw nalang and we're so excited...

"Ahm...."sabi niya ngumiti naman ako tsaka tumayo, kahit na mag one palang siya madaldal na siya she's always gibberish and then takbo ng takbo lalo kaya minsan nadadapa siya kaya di namin maiwan iwan kahit ilang segundo lang

"Behave princess okay? wag malikot mama is sleeping okay? be good girl..."sabi ko at iniwan muna siya sa kama sa tabi ng Mommy niya, kinuha ko muna yung baby puffs na para sa kanya tsaka yung dede niya

"Mama!!!!"napalingon naman ako dahil sumigaw siya

"Baby..."gising na pala ang Mommy niya tsaka mahigpit siyang yumakap sa Mommy niya

"Mama.... mama...."sabi niya and then pinugpog niya ng halik Mommy niya, bumalik naman kaagad ako sa kama tsaka hinalikan ang asawa ko

"Good afternoon baby...."bati ko sa kanya tsaka hinalikan siya ulit

"Hmm.... I had a good sleep Dada"sabi niya tsaka she kissed me, ngumiti naman ako

"That's good, bangon ka na you need to eat now"sabi ko, tumango naman siya tsaka dahan dahang umupo sa kama and then pinugpog niya ng halik si Max kaya tawa naman ito ng tawa, napangiti naman ako swerte ko na ganito ang pamilya ko, kahit na madami kaming pagdadaanan di ko bibitawan ang pamilya namin...

"Baby maliligo muna ako bago ako kakain"sabi niya tumango naman ako tsaka binigay niya muna sa akin si Max

"Mama!"iyak niya, hinalikan ko naman siya sa ulo tsaka pinunasan luha niya

"Shhh.... don't cry Baby Mommy will take a bath okay?"sabi ko

Tumayo naman ako habang karga siya tapos kinuha ko muna yung baby carrier at isinuot iyon

"Stop crying baby.... Mommy will be back okay? stop crying princess"sabi ko at hinalikan ulo niya, tumungo naman ako sa sa table dito malapit sa couch tsaka tinanggal yung food cover, medyo mainit pa naman yung pagkain kasi kakaluto ko lang din kanina habang tulog ang asawa ko

Isa isa ko na iyong ni arrange para mamaya di na mahirapan ang asawa ko sa pagkain mamaya, kailangan niyang kumain ng marami kasi di siya kumain kanina umaga and these past few days di rin siya kumakain sa tamang oras...

Kumuha naman ako ng one leg fried chicken tsaka tinanggal ko kuna ng crispy and then binigay kay Max

"Here princess... stop crying na..."sabi ko at hinalikan ulo niya, kinuha niya naman iyon tsaka medyo tumahan na kaya natawa naman ako kapag umiiyak siya bigyan mo lang ng pagkain tatahan na kaagad...

Napailing iling nalang ako habang tumatawa sabi ni Mom parang ako lang daw si Max nung baby daw kasi ako pagkain lang katapat ko para tumahan

"Daddy!"napalingon naman kaagad ako yung kambal, nasa room muna niya si Parker tapos ang kambal kakatapos lang ng lesson nila kasama yung teacher nila na ni hire ng Mommy nila

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon