Chapter 49

320 9 0
                                    

Ash POV

Ang bigat bigat naman nitong prinsesa ko, pisngi palang parang half kilo na eh. Tinatamad kasi siya bumaba at nagtatampo sa akin kasi bakit ayaw ko daw maniwala na nagkita sila ng Daddy niya... Yeah naniniwala naman ako na nagkita sila, Wen tell me about it natakot pa nga umamin sa akin.

"Mommy tso, I shaw Daddy tso yast day. Tyek diba we shaw Daddy?"sabi niya halatang naiirita na

"Christina don't use that tone to me, I'm your Mom"pagalit na sabi ko, kaagad naman siya yumakap sa akin

"I'm soyi mommy tso, kashi po ayaw mo manyiwaya sa akin eh..."sabi niya bumuntong hininga naman ako

"Naniniwala naman si Mommy, okay?"sabi ko at hinalikan ulo niya

"Tayaga mommy? you beyib me?"sabi niya tumango naman ako at hinalikan labi niya

"Yes, wait your Tita Iris is calling baby"sabi ko at sinagot yun siya naman nakahilig lang yung ulo sa dibdib ko habang nakayakap

"Hi babe!"bati ko agad

"Gosh! Lallaina I miss you so much!"

"I miss you too Ris"

"Kailan ka uuwi dito sa pinas? Malapit na birthday namin weeks from now"sabi niya, oh shit I almost forgot!

"Sorry Babe I almost forgot!"

"So ganyan ka na talaga ka busy para makalimutan birthday namin ni Ate?"

"Babe I'm really sorry about that, its just---"

"I'm kidding, basta I want you to be in my party"putol niya sa sinabi ko

"I'll check my----"

"No aasaham kita sa party namin Ash, no excuses I'm tired of listening that excuses"sabi niya agad, kaya napabuntong hininga naman ako

"Iris alam mong di ko pwedeng basta basta iwan nalang ang kompanya ko"sabi ko

"It's on you kung pupunta ka sa birthday namin ni ate we will be happy but if you choose your company itatakwil kita bilang pinsan ko"sabi niya

"I know you---"

"I'm serious Lallaina, nagpapaalila ka na naman sa trabaho mo. I'll hang up now"sabi niya, kaya napabuntong hininga nalang ako

"Mommy tso, batyit mayungkot ikaw?"tanong ni Clae ngumiti lang ako, at hinalikan ulo niya

"Nothing baby, anyway next day we will go to philippines, are you excited?"sabi ko sa kanilang dalawa ni Trek tumango naman sila at nagtilian naman sila dalawa ni Trek kaya natawa nalang ako sa kanila

"Yehey!!!! Ahh!!! we will go to piyipinsh!!"sigaw ni Clae habang tumatalon talon pa

"Tyenk you mommy!"sabi ni Trek at humalik sa akin at yumakap ng mahigpit pati si Clae din

"You're welcome my babies, come on let's pack our things"sabi ko tumango naman sila at hinila na ako patayo

"Yehey!! Mommy tso we will see Daddy tso na?"sabi ni Clae, ngumiti lang ako at tumango nalang.

"Yehey!! Tyek we will see daddy"sabi ni Clae at tumalon talon ulit, napangiti nalang ako. It feel so good in my heart seeing my babies happy and excited...

They are really excited to be with their Dad, minsan natatakot ako baka ayawan na ako ng anak ko isang araw...

-----

Tan's POV

"Hey bro. pupunta ka ba sa birthday ng girlfriend ko?"tanong ni Vince, birthday kasi nina Iris at Ivy next week

"Nah... past muna ako, I have something to do with my company"sabi ko at ininom yung brandy

"Nako Tan pumunta ka na"sabi ni Kuya emjay

"Kuya kung wala lang akong gagawin pupunta ako"sabi ko

"Tan alam naming wala ka naman talagang gagawin, h'wag ka kasing nagpapaalila sa childhood mong yan"sabi ni Kuya Al

"Nah.. basta pass muna ako"sabi ko at tinunga ulit yung alak

"Okay, basta sinabihan ka na namin. Tsaka pwede ba tigilan mo na ang paninigarilyo mo, di yan mabuti sa kalusugan"sabi ni kuya Al tinawanan ko lang sila

"L.A? Yes, okay I'll pick you up tomorrow yeah don't worry I'll be there early"napalingon naman ako kay Vince

"Yeah, sige I'll hang up now. I love you too pincess I miss you and Trek we miss you me and Tita Iris misses you so much, I'll hang up now"sabi ni Vince at binaba na ang tawag, napatingin naman siya sa akin

"Who's that?"tanong ko, ngumiti lang siya

"It's Iris cousin"sabi niya kaya mas napakunot naman nuo ko

"Di mo siya kilala kasi madalang ka nalang din sumasabay sa amin kaya di mo masyado nakikilala lahat kamag-anak ng mga kaibigan natin"sabi niya tumango nalang ako at tumunga ulit

"Kamusta na kaya si Lallaina? Wala na akong balita sa kanya mula nung umalis siya, di ko na din siya nakikita sa TV or sa kahit saan"sabi ni Kuya Jem, kaya napatingin ako sa kanya

"Siguro maayos naman lagay niya, natanong ko si Tita kanina eh sabi niya ayaw na daw bumalik dito at sa europe at US nalang daw siya titira..."sabi ni Kuya Al

"Sana bumalik dito si bunso no? miss na miss ko na kakulitan nun, nako makita ko lang iyon kukurutin ko pisngi nun nanggigigil ako..."sabi ni Kuya Emjay

Lallaina... I miss her, I want to meet our baby, kamusta na kaya sila? kamusta na kaya siya? Is she still love me? Is she still want me?

"Hoy Tan! tulala ka na naman"napatingin naman ako kay kuya Emjay

"Pati ba naman dito trabaho parin iniisip mo? Minsan na nga lang tayong mag sama-sama trabaho parin utak mo..."sabi niya, tinapunan ko nalang siya ng isang piraso ng pulutan namin

"May iniisip lang ako..."sabi ko at tinunga ulit ang alak, immune na ata ako dito yung mga kaibigan ko malapit ng malasing eh...

"Shi.... Lalhjajdhs...na yan...no?"sabi ni Kuya Shoichi kaya napailing iling nalang ako wala na akong maintindihan sa sinasabi niya eh...

"Lasheng na ang ga...go..."sabi ni Mich na lasing na din kaya natawa nalang ako sa kanilang dalawa

"Mga ulol kayo! pareho na kayong lasing"sabi ni Kuya Al na ikinatawa namin, si kuya Sho wala na nakatulog na sa sobrang kalasingan...

"Mga gago mga to, pareho na ngang lasing nagbabarahan pa... mabuti pa iuwin na natin to sa mga asawa nila, patay tong mga to pustahan..."sabi ni Kuya Emjay kaagad namang nag sang-ayon ang mga gago

"Sige! Pupusta ako! 5k si Sho ang kawawa sa asawa bukas"sabi ni Ethan

"Ako din! kay Sho"sabi nina Claude at Kuya Jem

"Kay Mich ako! 5k din!"sabi ni Kuya Emjay at Al

"Ikaw Mr. Ricci the business man?"tanong ni Kuya Al

"sige kay Mich din ako, 80 percent akin ang panalo, 20k!"sabi ko nagsigawan naman sila, mga gagong to parang di din mayayaman...

"Iba talaga pag mayaman eh..."sabi nila kuya Emjay binatukan ko naman siya, parang di mayaman ah...

Mga kuripot kasi mga to wala kang maasahan sa mga to siguro kay Vince meron pa, tangna ikaw ba naman regaluhan ng house and lot tsaka trip to Hongkong...

Anyway... namiss ko tuloy yung dalawang batang nakita ko sa states, sayang nga lang di ko natanong pangalan nila, ang cute nila tsaka may kamukha sila. Sana makita ko sila ulit parang ang gaan kasi ng loob ko sa kanila, o baka nangungulila lang ako sa mga anak ko...

Can't Get OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon