Simoun: Ako'y nakakakita ng mga ilog na may magagandang tanawin. Ito ay nagpapagunita sa akin sa alamat.
Kapitan: Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na batumbuhay noon bago pa man dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala ang pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan alamat, ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.
Don Florentino: Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang dalagang kababayan. Subalit ang mag-aaral ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang lumilipas ang panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila ang kanyang hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa ang arsobispo ng kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin siya inilibing.
Ben Zayb: Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!
Simoun: Ano sa palagay mo Padre Salvi? Para sa akin ay hindi marangal na bawain ang sira sa kweba ang isang binago ng pag-asa, ano sa palagay mo?
Padre Salvi: Hindi ko mahahatulan at di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang lamang ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil sa pinag-uusapan natin ay mga alamat, hindi nyo dapat limutin ang nauukol na milagro ni San Nicolas na pinakamaganda at pinakatotoo na marahil ay hindi pa naririnig ni Ginoong Simoun.
Ben Zayb: Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, saan diyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?
Kapitan: Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang lumitaw ang kanyang ulo ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula ang tubig dahil sa dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.
Ben Zayb: Kung gayon ang kaniyang bangkay?
Padre Sibyla: Nakasama na sa kaniyang ama. Hindi ba’t isa rin siyang pilibustero, Padre Salvi?
Ben Zayb: Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?(nakatawa)
Ben Zayb: Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?! Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?
Kapitan: Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo dito.

BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Historical FictionMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.