Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

225 1 0
                                    

(Dumating si isagani sa opisina ni ginoong pasta)

Ginoong Pasta: Kumusta na ang iyong amain?

Isagani: Maayos naman po ang kanyang kalagayan.

Ginoong Pasta: Ah.. ganoon ba?

Isagani: Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming panig. Kung sakaling sumangguni sa inyo si Don Custodio.

Ginoong Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan!

Isagani: Di po namin hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Isa lamang po ang aming layunin, nagkakaiba lamang sa pamamaraan.

Ginoong Pasta: Kahanga-hangang kasagutan. Ngunit ako’y di niyo pa rin mapapapayag. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa ang pamahalaan.

Isagani: Salamat po, mauna na po ako.

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon