Kabanata 13: Ang Klase ng Pisika

83 1 0
                                    

Scene: may natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon

Padre Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! TAMAD!

Estudyante: Ang salamin ay anumang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang makita ang anumang iharap dito.

Padre Millon: Ang salamin ay ang ibabaw. Hindi na mahalaga kung ano ang nasa ilalim dahil hindi ito nakakaapekto sa ibabaw. Sumasang-ayon ka ba o hindi?

Estudyante: Sumasang-ayon ako Padre!

Padre Millon: Juanito.

(Tatayo si Juanito)

Juanito: Hindi ako sumasang-ayon!

Padre Millon: Ikaw ginoong multo! Tumayo ka't sumagot! Kung ang salaming metal ay gawa sa tanso o iba pang metal. Tama o mali?

Placido: Kung sinasabi ng aklat Padre

Padre Millon: Labinlimang araw na liban! Isa na lamang at magbabakasyon ka na!

Placido: Ngunit apat na araw palang akong liban.

Padre Millon: Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas. Kapag ikaw ay lumiban pa ng isa,mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil hindi mo alam ang leksyon ngayon.

Placido: Aalisin niyo na lahat ng marka ko sa araw na ito! Hindi ko maintindihan ang mga taong liban sa klase pero nagagawang mag-ulat!

Padre Millon: Hindi ba pwedeng liban sa klase ngunit alam ang leksyon?

Placido: Sige! Guhitan mo hangga't gusto mo! (Sabay alis)

El Filibusterismo (Short Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon