Guro: Nagpunta ka ba sa hapunan ng nagdaraang gabi?
Basilio: Masama ang kalagayan ni Kapitan Tiyago kaya hindi ako nakarating sa piging.
Guro: Kasama ka ba sa samahan ng mga mag-aaral?
Basilio: Ako po ay nag-ambag!
Guro: Umuwi ka at sunugin ang mga kasulatang nasa iyo. Walang alam si Simoun sa nangyari. Sinugatan siya ng isang taong di kilala.
(Pupunta si Basilio sa Pamantasan)
Basilio: Tayong mga kasapu ay mabibilanggo.
Lalaki 1: Hindi kapani-paniwalang ngayon lang nangyaring ang kabataan ay nabilanggo sa ngalan ng kalayaan. Ngunit sino bang hangal ang sumulat ng paskil?
Isagani: Hindi natin tungkulin ang magsiyasat kung saan may panganib. Dapat tayo pumaroon dahil andoon ang karangalan.
(pumunta si Basilio sa kanila)
Macaraig: Pati ba ikaw?
Basilio: Narito ako para kayo'y kausapin.
Macaraig: (hahalakhak) Noon lang ay iniiwasan mo kami.
Sundalo(Kabo): Mabuti at kayo'y naparito, kayo'y aming dinarakip.
Basilio: Pati ba ako?
Macaraig: (tatawa) Maaasahan mo ako at sa ating pagtatapos ay aanyahan natin ang mga ginoong ito. (sabay turo kila Kabo)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Historical FictionMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.