Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Sinabi ni Padre Irene na kung tayo’y makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-ayon. Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari ring si G. Pasta ang ating lapitan. Ang problema lang ay kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio.
Isagani: Kakausapin ko si G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap niya kay G. Pasta.
![](https://img.wattpad.com/cover/216163725-288-k607606.jpg)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Ficción históricaMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.